R-18
Agad akong napatakbo sa building nila Lando nang makita ang text niya, nakikipag-away sila Art at Tres!
Wala akong pakialam kung ang dami kong nabangga, ang importante ay makapunta ako agad doon. Hindi ko alam ang pinag-aawayan pero kinakabahan ako para sa kanila.
"Art!" Sigaw ko nang makita ko siya sa ibabaw ng isang lalake at handa nang suntukin yon.
Natigil sa ere ang kamao niya at napalingon sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo pa ata siyang nagalit at tuluyang sinuntok yung lalake dahilan para mawalan yon ng malay at umagos ang dugo mula sa ilong.
Lalapit sana ako pero si Selena na ang humila kay Art paalis sa ibabaw nung lalake.
"Oh my God, ano raw pinag awayan?"
"Ewan, baka pinagusapan na naman si Mickey ng mga yan. Ayan tuloy, nakatikim."
"Uy, bestfriend daw ni Tres yang mga nabugbog!"
"Bestfriend? Eh bakit sila nag aaway?"
"Ang pagkakaalam ko gusto ni Tres yung girlfriend nitong si Vincent … or baka nga pinagusapan nila si Mickey kaya sumama si Art."
Hindi ko malaman ang gagawin. Nilapitan ko si Tres na nakatayo na at hingal na nakatingin sa isang lalakeng nakahiga at putok ang labi. Nilapitan yung lalake ng isa pang babae na nagmamadali din na galing ata sa ibang department.
"Vincent!" Aniya bago ito tulungan makatayo.
Napalingon ako kay Art na sumigaw. Lumapit ako doon at kita ko si Selena na naiiyak habang kausap si Art.
"Kilala mo… kilala mo pala! Tangina Selena, kaibigan ka namin! Kaibigan ka ni Mickey! I can't believe nagawa mo yon!"
Nangunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin doon?
"Art… hindi ako pumayag non, bakit ba sa akin ka nagagalit?" Naiiyak na sambit ni Selena.
"Shut up!" Inis na sigaw ni Art. "Huwag na huwag mo na ulit lalapitan si Mickey o ang banda. Makakalaban mo ako, you got it?"
Nanigas ako nang lumipat sa akin ang tingin ni Selena. Napalingon rin sa akin si Art na hinihingal, lalapitan niya na sana ako pero nauhan siya ni Selena. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod.
"I'm sorry Mickey… I'm sorry…"
Mas lalo akong nagtaka at pilit siyang pinapatayo dahil vini-videohan na kami ng ibang estudyante.
"Get off!" Hinila siya ni Art patayo pero natapakan ko ang paa niya kaya natumba siya, aabutin ko sana siya para hindi matumba pero nagmukha tuloy na tinulak ko siya!
Napasinghap ang mga nanonood sa pagtumba ni Selena. Mas lalong lumakas ang iyak niya dahil doon.
"Bakit mo ako tinulak Mickey? Nagso-sorry na ako tapos itutulak mo ako?!"
Nangunot ang noo ko. "Ano? Wala nga akong ginagawa sayo." Inis kong sagot.
Halata naman na gumagawa lang siya ng eksena! Hindi ko na siya pinansin at hinarap ko si Art para makamusta dahil may tama siya sa mukha pero bigla ba namang hinila ni Selena ang kamay ko.
Tumahimik ang lahat at… ang tanging narinig ko na lang ang pagkalaglag ng mga beads mula sa bracelet kong naputol. Hindi lang isa… kundi tatlo ang naputol sa limang bracelet na nasa kanan kong kamay.
Bumagal ang paghinga ko at napatingin sa lapag. Nagkalat ang mga beads na iningatan ko ng halos isang dekada. Ang mga bracelet na pinahalagahan ko kahit na mura lang.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...