PAC 32

5 2 0
                                    

"Nak… pakinggan mo muna si Xavier." 

Sa tuwing naririnig ko yan kay mama ay hindi ko siya sinasagot. Ayokong makinig sa lalake na yon, okay na kami ni Artair… bakit dumating pa siya?

"Ma papasok na po ako, ikaw na po ang bahala kay Artair." 

Nilapasan ko si Mari at Xavier na nasa sala. Ang aga aga narito na ang lalake kaya naiinis ako. Hindi ko sila dinapuan ng tingin kahit alam kong nag-aabang si Xavier kung kakausapin ko ba siya. Pag-apat na araw na niyang bumisita dito pero sa apat na araw na yon ay hindi kami nag-uusap. Baka masapak ko lang siya kapag nagkataon.

"May byahe kayo sa Bulacan. Sama ka Miles? Diba gusto mo ng mga long drive?" 

Naging good mood ako nang marinig yon kay ma'am Alice. "Sige po! Sama ako!" 

Natawa siya sa reaksyon ko. Kapag talaga may byahe na malalayo ako ang ina-assign niya. Hindi ko pa natutupad ang pangarap kong lumibot sa buong mundo pero nakakalibot naman ako ngayon sa Pilipinas. 

Habang nasa byahe ay nagpapatugtog kami ni manong para hindi boring. Kapag traffic pa nga at may katabi kaming truck, nakikisabay pa sila sa tugtog na naririnig nila sa loob ng sasakyan namin. 

Nakakapagod ang byahe pero masaya! Nakadaan pa kami sa iba't-ibang lugar na hinihintuan talaga ni manong kahit hindi ko sabihin para mag-picture.

"Maraming salamat po! Sa susunod po ulit!" Masayang paalam ko sa dinileveran namin ng mga porselas. 

"Aba oo naman! Bentang-benta talaga ang mga bracelet na ito dito kaya o-order talaga ulit ako!"

Nag-picture pa kami ni ate dahil ipo-post niya raw yon si FB para daw madagdagan ang customers namin. That was the best feeling ever! Ang saya talaga kapag gusto mo ang trabaho mo, kahit pagod nage-enjoy ka naman sa ginagawa mo.

"Kain muna tayo ma'am, saan mo gusto?" Tanong ni manong sa akin.

"Miles na lang kuya. Uh… kahit saan po basta gusto ninyo."

Sa huli ay huminto kami sa isang restaurant. Japan ang theme pero ang nasa menu ay pinoy foods, meroon din namang pagkain sa japan pero pinoy foods ang heavy meals nila.

Nagkatinginan kami ni manong nang makita ang isang pangalan ng pagkain. Pagkatapos ay maloko siyang ngumiti. "Kare-kare and fried chicken!" 

Natawa kami bago yon sabihin sa waiter. Nagkwentuhan pa kami ni manong habang hinihintay ang order namin nang biglang pumasok ang isang lalake na hindi ko inaasahang makita.

"Tres?" Bulong ko sa sarili ko.

Binulong ko lang yon pero lumingon siya sa akin na parang narinig na tinawag ko siya. Naningkit ang mata niya pagkatapos ay natawa. 

"Mickey!" 

Lumapit ito kaya tumayo ako para salubungin siya ng yakap. "What are you doing here?" Tanong niya bago balingan ng tingin si manong Ed.

"Hello, sir." Bati ni manong.

"Hello po!" 

"Nag-deliver lang kami diyan. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong ko sa kanya.

Lumawak ang ngiti niya bago ituro ang counter. Doon ay nakita ko ang isang babae na nakatingin din sa amin, nang makita ako ay ngumiti siya at kumaway. Base sa suot niya isa ata siya sa cook. Teka nga… namumukhaan ko siya ha! Hindi ko lang alam kung saan at kailan ko siya nakita.

"Visiting my girl," sagot ni Tres.

Kinawayan ko rin ang dalaga. Ngayong natitigan ko ng matagal ang mukha niya doon ko nakita na mukha siyang japanese! 

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now