PAC 2

18 6 0
                                    

Excited akong matapos ang klase ko dahil pinapapunta ako ng manager nila sa studio nila. Ako ang napili nilang new drummer! Halos ma-perfect ko lahat ng surprise quiz ng mga prof dahil good mood ako.

For this morning, I brushed my teeth para hindi madilaw at mabaho kapag kausap ko sila, syempre nakakahiya naman na humarap sa kanila na ang baho pala ng hininga ko! Baka kakapunta ko palang doon paalisin agad ako dahil hindi ako naghy-hygiene.

"...and that's how we need to learn other languages. Okay, class dismissed!"

Agad kong inayos ang mga gamit ko at lumabas ng room. Kinuha ko ang phone ko para sana tingnan ang oras pero message lang ni Art sa IG ang nakita ko.

arturawr: sabi nila sabay ka raw sa akin, punta ka nalang muna sa parking lot, hanapin mo plate # ko.

Nangunot ang noo ko. Bakit naman sa kanya pa ako sasabay?! At saka paano ko naman malalaman ang plate number niya aber?! Hindi ako stalker!

ssmiless: Kaya ko pumunta mag-isa. Hindi na ako sasabay

arturawr: Tres ordered that. sumabay ka dahil pagagalitan ako non. search for my plate number.

Napaisip ako. Sabay na kaya ako para less pamasahe? Oo nga 'no? Ang talino ko talaga!

ssmiless: Plate number ampota, sabihin mo na lang anong kulay ng sasakyan

Nakarating na ako sa parking lot bago siya nag-reply. Mukhang nasa klase siya kaya natagalan. Bakit ba kasi kailangan sumabay pa ako sa kanya? Bakit naman iuutos 'yon ni Tres?! Kayang-kaya ko naman mag-commute mag-isa. Pero choosy paba ako? Mas makakatipid nga naman ako.

arturawr: motor yon. color black, nasa tapat ng puno.

ssmiless: Ok

Hinanap ko ang sinasabi niya at madali ko naman 'yong nakita, lumapit ako at kinapa ang upuan kung mainit, hindi naman mainit kaya umupo ako. Wow, ang taba ng gulong at ang kintab ng motor niya ha? Mahal siguro 'to, ano kayang tawag dito?

Ilang minuto pa akong nag-antay hanggang sa may narinig na akong tawanan sa likod ko.

"Who's that? Bakit nakaupo yan sa motor mo Arturo?" Narinig kong saad ng isang lalake.

"Ah, kilala ko yan." Boses nung bwisit na lalake.

Tumayo na ako at hinarap sila. Hindi ako nagsalita at nakatingin lang kay Art. Nagpaalam lang siya sa mga kasama niya pagkatapos ay lumapit na sa akin.

"Hello, ampota." Bati niya.

Nagsalubong agad ang kilay ko. "Close tayo?" Inis kong sagot.

Tumawa ito bago kuhain ang isang helmet na nakasabit ang tali sa loob ng upuan at isa pa sa box naman na nasa likod ng motor.

"Hindi. Pero ihahatid kita, I'm the kindest stranger right?"

"Kindest ampot-"

"Shh." Pagpigil siya sa sasabihin ko. "Enough na sa ampota na yan, let's go."

Inirapan ko siya bago isuot ang helmet na binigay niya. Akala ko mabaho pero akala ko lang pala dahil ang bango nito sa loob. Parang... kasing amoy ng pabangong gamit niya ngayon.

"Sakay." Utos nito.

Inilagay ko sa harapan ko ang bag ko at humawak sa balikat niya para makabwelo ng upo. Patagilid akong naupo dahil naka-skirt ako. Hindi naman maikli, sa aking skirt ngalang ata ang hanggang baba ng tuhod at pinasadya ko talaga 'to dahil ayoko ng maikli.

"Paa mo ha, baka malusot sa gulong." Paalala nito kaya inilayo ko ng bahagya ang paa ko sa gulong.

"Ang laki naman kasi." Reklamo ko.

Peace Amidst ChaosWhere stories live. Discover now