"I'm really sorry, Mickey." Nakailang ulit na si Tres sa pagso-sorry dahil sa nangyari.
Nandito ako ngayon sa isa sa mga guest room ng bahay niya. Nakabalot ako ng tuwalya dahil kinukuhanan pa ako ng kasambahay niya ng damit na pwedeng ipalit sa nabasa kong damit.
"Ayos lang, ano ka ba… umakyat ka na doon at baka hinahanap ka ng mga kaibigan mo."
He sighed. "Papagalitan ko sila Uno, iniwan kita sa kanila pero sila itong gala nang gala. Pagkatapos mo mag-palit, akyat ka ha?"
Tumango ako. "Opo… nilalamig ako Tres, patayin mo nga ang aircon."
Bahagya siyang tumawa, "Oh sorry."
Iniwanan niya ako sa loob pero kalaunan ay lumabas din ako para salubungin na ang kasambahay na may dala ng damit na gagamitin ko. Habang naghihintay sa tapat ng pinto ay naalala ko na naman ang mukha at paghawak ni Art sa akin.
Tinanong niya lang kung okay ba ako tapos inilapag niya na ako sa tabi ng pool bago siya umalis. I wonder where he is now. Isinandal ko ang ulo sa pinto ng kwarto habang iniisip ang mukha niya, sobrang na-miss ko pala talaga siya…
"What are you doing here?"
Napaayos ang tayo ko dahil sa boses ni Art. Kabababa niya lang mula sa taas, baka doon ay may guest room rin at doon siya nanggaling. Basa rin ang katawan niya kagaya ko pero may towel na naskasabit sa balikat.
"A-ah… hini… hinihintay yung damit…" Unti-unting humina ang boses ko dahil naglakad na siya at nilampasan ako.
Magtatanong tapos lalagpasan lang ako? Inirapan ko ang likod niya bago isandal ulit ang ulo sa pinto. Ang tagal naman ng kasambahay? Nilalamig na ako at saka… yung bag ko nasa table baka may text na si mama.
Nang may narinig akong pagsarado ng pinto ay umayos ako ng tayo. Akala ko isa na sa kasambahay pero si Art yon na may dalang… dress.
"Here. It looks like you're getting cold there."
Kahit gulat dahil kinausap niya ako ay kinuha ko na ang dress sa kamay niya. Hindi na ako nakapagpasalamat dahil umalis na siya agad at umakyat. Mariin akong napapikit, bakit hindi ako nakapagsalita?!
May multo ng ngiti sa labi ko bago pumasok sa guest room dahil doon ay may banyo. Basa rin ang undergarments ko kaya pinigaan ko na lang sila at pinahanginan sandali bago isuot.
Ang dress ay kulay black na hanggang tuhod ko, fitted sa akin kaya… kita ang kaunting cleavage ko. Sa tuwing itinataas ko ay sa likod naman ang bumababa kaya hindi ko na ginalaw. Saan ba 'to nakuha ni Art?!
Nang maituyo ko ang pula kong buhok ay nag-apply ako ng pabango na nasa lamesa. Mabango! Kung dala ko lang ang bag ko ay iuuwi ko na ito eh.
Paglabas ko ng kwarto ay nahinto ako. Hindi kinakaya ng puso ko ang interaction namin ngayon ni Art. Nandito lang naman siya sa gilid ng pinto at nakahalukipkip habang nakapikit. Bakit siya nandito?
Hindi ko alam kung magsasalita ako lalo pa nung nagmulat siya at lumingon sa akin. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at kita ko ang pag-ngisi niya bago tumalikod.
"Let's go,"
Sumunod ako agad sa kanya, ngayon ay naka black polo shirt na siya at black pants. Bukas ang dalawang butones ng polo niya kaya kita ko doon ang kwintas niya kanina.
Nag-init ang mukha ko dahil… parehas kami ng kulay ng suot. Ano naman kung pareho ng kulay diba? Bakit ba nag-iinit ang mukha ko?!
Pagkarating namin sa table ay kinuha ko agad ang bag ko. Hindi ko na napansin na nakatingin pala sa akin si Louie kaya bahagya ko siyang nginitian.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...