Landonisa
Pinagkakaguluhan ka na naman sa twitter ha?Mickey
Ano na naman raw ba?Landonisa
Tingnan moLandonisa sent a photo.
Tiningnan ko ang sinend niya habang kumakain ako sa loob ng room. May chismiss na naman ata ha!
••—••
arthur centauri
@artcentmesmiling 'cause I got the star in my hand again.
••—••
Sa baba non ay ang picture niya at ng bracelet. In the first picture, he's slightly smiling at the camera, the second pic is the bracelet I gave to him last night.
Ang daming comments na nakita raw nila na suot ko yung bracelet na 'yon pero blurred lahat ng pictures kaya hindi credible and proof. Ang iba ay naniniwalang hindi galing sa akin 'yon kundi galing kay Selena.
Ang daming alam ng mga 'to, hindi ba pwedeng bumili siya kahapon sa mall or sa nadaanan niyang store? Or bigay ng mama niya or lola? Bakit kami agad ni Selena ang nakikita ng tao?! Ang i-issue naman ng mga 'to, pero… sa akin naman talaga galing 'yon eh…
Mickey
Hayaan mo na sila, huwag mo pansinin titigil yanLandonisa
Pero sa'yo naman talaga yung bracelet ha? Binigay mo? Nung ako nanghihingi ayaw mo tapos pagdating sa kanya bigay na lang agad, astig niyaMickey
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA ampota, ayon naman yung napulot ko sa basurahan eh, hindi yan yung bigay mo don't worrylikezone*
Natawa na lang ako. Tampo yarn?
Tumagal ng dalawang oras ang huling klase ko kaya ang sakit ng pwet ko, nakakaantok pa dahil sa malumanay na boses ni Ma'am. Bawal ka pa humikab dahil kapag nahuli ka niyang humikab ay ikaw ang page-explainin niya sa harap kaya halos lahat kami ay humihikab na nakasara ang bibig kaya pare-pareho kami lumalaki ang ilong.
Pauwi na ako nang magchat si Tres sa GC. Sabi niya may biglaang gig kami sa isang bar mamaya, hindi daw alam ni Manager L 'yon pero mamaya ay magpapaalam siya dahil pagagalitan kami ni Manager kapag hindi niya alam.
7 pm kami kailangan nandoon kaya 6 palang ay susunduin raw nila ako. Hindi ko pa alam kung papayagan ako kaya pag uwi ko sa bahay ay hinanap ko agad si mama.
Wala si Madison sa bahay at baka nagtatatakbo na naman 'yon sa labas, si Melody ay kasama ni Marigold. Si papa ay syempre, nag-iinom na naman sa labas.
Habang naghahanap ng maisusuot para mamaya ay dumating si Marigold at Melody na nakapang-alis. Nangunot ang noo ko dahil sa dami ng paper bag na dala ni Marigold, mukhang namili sila dahil nakangiti sila nang pumasok sa kwarto.
"Saan kayo galing?" Tanong ko.
"Sa mall." Ani Marigold bago ilapag ang pinamili sa cushion.
"Wow dami niyan ha? Saan galing pera mo be?"
She tsked. "Tanong ka nang tanong! Huwag mo nga akong kausapin."
Nagpamewang ako ng wala sa oras. "Tinatanong kita nang maayos, huwag mo 'kong sagutin nang pabalang."
"Wala ka ng pake kung saan galing pera ko." Umirap ito.
"Ang dami mo naman atang pera kaya ang dami mong bagong gamit? Hindi mo pa sahod ha? Saan galing pera mo? Sa kinuha ni papa na pera ko?"
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...