"Mage-enroll ka next school year, nak?" Tanong ni mama nang magkasabay kami mag-almusal.
"Oo ma… ayokong mag-isa riyan sa kwarto, at saka… gusto kong tuparin ang pangarap ko."
Ngumiti sa akin si mama. "Susuportahan ka namin."
Malaki na rin ang naipon ko kaya sa tingin ko ay kaya ko nang ituloy ang pag-aaral ko. Hindi naman ako magre-resign sa trabaho ko pero hindi ko nga lang maaabot ang manager na gusto kong title. Ayos na rin yon, basta may trabaho.
"Ate may family dinner kami mamaya sa bahay nila Xavier. Sama ka?" Pagtatanong ni Mari sa akin.
Pinayagan siya nila mama at papa na tumira sa bahay nila Xavier kasama si Artair. Mukha namang maayos sila doon at gumaganda itong si Mari lalo.
"Huwag na… busy ako mamaya!" Pag-tanggi ko.
Kinurot nito ang tagiliran ko. "Weh? Sus… sama ka na ate, alam kong miss mo na si Kairo."
Napairap ako bago siya pabirong sabunutan. "Sabing busy ako. Sila papa kaya ang dalhin mo doon! Bakit ako?"
Pinilit niya pa ako pero tumanggi ako. Totoo namang busy ako, pupunta ako sa isang concert! Unang beses kong makapunta sa concert ng Silent Sanctuary 'no! Hindi ko 'to pwedeng palampasin, ito na rin ang pahinga na ibibigay ko para sa sarili ko.
Ang balak kong kulitin si Art para makausap ay naudlot na. Siguro sa susunod na lang ulit o baka… hindi ko na siya kukulitin. Ayos na ata yung huli naming pag-uusap 'no? Hindi na niya ata kailangan ang explanation ko.
"Ma, aalis na po ako!" Masayang paalam ko nang makababa sa sala.
Naka high-waisted red trouser ako at black sando top tapos ay may cap. Ang pula kong buhok ay nakalugay, mamaya ay itatali ko o baka hindi na dahil gabi naman ang concert at malamig!
"Ingat, nak!" Sagot nito. Kasama niya sila Madi sa kusina at kakain na.
Lumabas na ako at nag-book na naman ng motor para makapunta sa venue. Pagkarating roon ay marami na ang tao, sa gilid lang ako banda dahil ayokong maipit sa gitna, may upuan din sa gilid na pwede kong upuan kapag nangangalay na ako tumayo.
"Hi ate! Dito ka?" Pakikipag-usap sa akin ng isang dalaga bago ituro ang kinatatayuan ko.
"Oo." Sagot ko.
"Ah sige ate. Dito kami sa harap mo ha? Ayaw mo ata sa malapit sa stage." Natatawang aniya bago sila pumwesto sa harapan ko.
Sa dami nila ay napaatras ako. Lintek, akala ko ay dalawa lang sila ng jowa niya! Napasimangot ako dahil nasa bandang dulo na ako. Pero ayos lang basta hindi ako maiipit.
Inayos ko ang cap na suot ko dahil pakiramdam ko magsisimula na. At tama nga ako dahil umaakyat na ang grupong Silent Sanctuary sa stage. OMG! Nilabas ko ang cellphone ko at pinicturan ang stage.
Agad ko 'yon ni-myday sa IG.
'Magaan na ba ang 'yong paghinga? Bumalik ka na sa'kin.' –ito lang ang ni-caption ko at ang location kung saan. Panigurado akong mai-inggit si Lando!
Ang saya! Kahit ako lang mag-isa ay sinisigaw ko ang kanta nila. May nakakilala pa sa akin at nakipag-picture kaya ang saya! Binaligtad ko na rin ang pagsuot ko sa cap ko at vinideohan ang banda. Kailangan ko 'to i-myday!
Pagka-myday ko ay nabaling ang tingin ko sa kaliwa ko. And then… as I saw his eyes sparkling because of the lights on the stage, I froze. Hindi ako nakagalaw habang nakatingin sa kanya. Bakit nandito din siya?
Itinago ko ko ang cellphone ko at hindi na siya pinansin. He's a famous musician and dancer, he shouldn't be here watching this concert as if he's an ordinary people. Baka mamaya ay pagkaguluhan siya dito. Buti at naka-cap ito.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...