Handa na ba? Wala ng nakalimutan? Pwede na ako umalis?!
"Ma aalis na ako." Paalam ko kay mama. Dito kasi ako natulog dahil nagpaalam ako kagabi na pupunta ako ng Batangas.
Tumango lang siya bago pumasok sa kwarto nila ni papa. Si Marigold naman ay hindi ko na nakita pagkagising ko. Kumuha na din ako ng ilang damit na naiwan ko at binisita ko kahapon si Madi. Kaso nga lang wala pang sampung minuto tinawag agad siya ni Joseph.
Mukhang ayos naman siya dahil ang sigla sigla niya at hindi naman siya nagsumbong sa akin ng kung ano. Basta nagsisimula na akong mag-ipon para mabawi siya at para makalipat na rin kami ng bahay.
Sa isang linggong nakalipas ay puro practice ang ginawa ng banda. Halos 7-10pm ang practice namin dahil pare-pareho kaming may tinatapos na requirements bago mag-summer break. Buti nga at nakakapag-practice pa kami.
Gaya ng napagkasunduan, naghintay ulit ako sa kanto namin dahil doon dadaan ang van na gagamitin namin. Instrument provided na raw kaya hindi na kami namroblema sa pagdala ng mga gamit namin.
Excited akong naghihintay hanggang sa dumating na sila. Alasais palang ng umaga pero ba-byahe pa kami ng mga tatlong oras kaya kailangan maaga, kailangan rin namin mag-ayos at sa pagkakataon na 'to, magde-dress ako!
"Morning," Bati sa akin ni Uno bago kuhain ang bag na dala ko para ilagay sa pinakalikod.
"Good morning!" Bati ko rin bago maupo sa tabi niya.
Nangunot ang noo ko dahil parang kulang kami? "Nasaan si Selena?"
"She's on her way with their driver, hinatid siya as her parent's want." Sagot sa akin ni Tres na nakaupo sa unahan.
Tiningnan ko ang driver at si Art ang nakita ko na naka-hood na black at pants. Si Tres naman ay may suot na neck travel pillow na kulay blue. Ganon din ang dalawa kong katabi na mukhang handa na matulog.
Gaya ng inaasahan ko, natulog nga ang dalawa kaya nag-suot ako ng earphone at sumandal para matulog. Pero mukhang hindi ako makatulog dahil excited talaga ako! Makakapag-swimming na rin after so many years.
Naglaro na lang ako ng ML. Nakatatlong laro lang ako dahil lag. Nagpicture-picture na lang ako ng mga view na madadaanan pagkatapos at nag-video ako ng mga tulog hanggang sa makarating na kami.
Ang bilis ha! Si Art ang nakipag-usap sa guard dahil tulog si Tres. Ang narinig ko lang ay ang kasal ni Rachel at Bernard kaya pinapasok agad kami.
Ginising ko na sila nang makapag-park kami. Tumulong na rin ako sa paglabas ng mga gamit bago picturan ang entrance. Nandoon na pala sila Manager L at Selena na nauna na.
"Look at their beaches, may tatlong area ang resort na 'to pumili kayo ng gusto niyong area. Selena and I chose Harmony beach." Ani Manager L na naka-shades pa.
Ganon din si Selena na naka white sando at maong shorts ang suot, may maleta siyang dala at isang bag. Gaya ng sinabi ni Manager namili kami ng area, maganda nga sa Harmony kaya ayon ang pinili namin.
Nasa gilid lang ako dala ang malaki kong bag at isang shoulder bag nang biglang tumabi si Art sa akin.
"Good morning." Bati nito. Kanina pa kami magkasama pero ito ang una niyang bati sa akin.
"Morning din." Nakangiti kong sagot.
Pagkatapos mag-book ni Manager L ay hinatid kami ng isang babae sa cottage namin. It was a floating cottage! Ang ilalim ng cottage ay dagat kaya mas lalo akong na-excite!
Nag-explain ang babae tungkol sa mga rooms, at agad nang inangkin ni Manager L ang isang guest room na good for two people pero twin size bed. Pagkaalis ng babae ay nag-pasya na kami kung sino-sino ang magkakasama sa loft area at master's bedroom na tig-tatlo ang kasya.
YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...