Tangina, buti hindi ako na-distract habang nagpe-perform kami ng Pillowtalk. Nanginginig ako at hindi mapakali, ayoko siyang makita. Anong ginagawa ng lalakeng 'to dito?
Mas lalo akong naging hindi komportable dahil ang lapit nila sa table namin. Kanina pa siya nakatingin, gusto ko siyang suntukin sa mukha, mukha palang kasi niya manyakis na eh.
"Pizza, Mickey?"
Nagulat ako sa pagkalabit ni Uno. Fuck, I'm being paranoid. Hindi siya makakalapit sayo Mickey, relax ka lang naman.
Kinuha ko ang pizza na inaalok niya dahil gutom na din naman ako. Uminom rin ako ng alak pampakalma at pampalakas ng loob na sapakin si Joseph kung lalapit man siya sa akin mamaya.
Mamaya ay last na tugtog na namin, pagkatapos non ay pwede na kami umuwi. Sila lang pala dahil pinalayas ako at hindi ko alam kung papauwiin pa ako ngayong gabi, sigurado akong pag nakita ako ni papa mas malala na ang matatanggap ko sa kanya.
"Si Selena naka ilan na yan, baka mamaya malasing yan." Natatawang sabi ni Dos.
Napalingon kami kay Selena na ang dami na nga atang nainom dahil namumula na siya. Tumawa naman siya at umiling sa amin.
"Bakit ba ako?" Tanong nito.
Natawa si Uno. "Tangina lasing na nga, kaya mo pa bang mag-piano mamaya?"
"Of course dude, easy lang yan."
Tres sighed. "Bakit niyo pinainom ng marami? Baka mag-doble na ang paningin niyan mamaya."
"Ako na muna mamaya kung hindi na siya makalakad ng normal." Ani Art na nasa tabi ko at nakatingin kay Selena.
Agad hinawakan ni Art si Selena nang umurong ito at muntik nang malaglag sa upuan niya. Selena laughed like an angel because of that, ang ganda niya talaga.
Kung may maganda siyang mata, ako ay may malaking mata. Kung meroon siyang mapulang labi, ako naman ay meroong dry lips na hindi pupula kung walang lip balm at lip tint. Kung matangkad siya, ako naman ay hanggang baba niya lang. Ang kamay niya ay may gold bracelet, at ang akin ay may sandamakmak na bracelet na mumurahin lang.
Ang jeje ko pala pumorma, kaya walang nagkakagusto sa akin eh.
Lumipas ang ilang minuto at tinawag na kami ng emcee sa harap. Nilapitan ni Art si Selena at inilipat sa sofa na inuupuan namin pagkatapos ay kinausap ito. Hindi ko na sila tiningnan at umakyat na sa mini stage.
Tangina bakit nagbago na naman ang mood ko?! Inis kong itinali ang buhok kong pangit bago kunin ang drumstick. Naiinis ako, bigla na lang sumagi sa isip ko na ang pangit ko, wala akong kwenta at walang silbi. Tangina talaga bakit ba bigla na lang silang pumapasok sa isip ko?!
Salamat sa inis ko dahil nakapag-adlib ako at gumanda ang performance namin. Minsan ay napapalingon pa sa akin si Art tapos ngingisi tapos ipagpapatuloy na ulit ang pagpi-piano. Anong nakakangisi?!
May sinabi pa si Tres sa audience bago kami umalis sa stage. Hindi ako nakaupo sa sofa dahil nandoon si Selena na tulog na. Lumipat ako sa upuan niya at nasa likod ko na sila Joseph kaya medyo hindi ako komportable sa pwesto ko.
"Pagagalitan tayo ng mama niya kung iuuwi natin siyang tulog." Saad ni Dos na nakatingin kay Selena.
"We have no choice but to wait her to wake up." Natatawang sabi ni Tres nang makaupo.
Habang nakatunganga ay naisip ko kung saan ako matutulog. Teka, kausapin ko nga muna si Marigold. Kinalabit ko si Art na nagce-cellphone kaya napaangat ang tingin niya sa akin.
"Pahiram phone," mahinang saad ko.
Binigay niya naman sa akin agad ang phone niya kahit kita ko yung convo nila ng kaibigan niya sa screen. Ako na ang nag-alis doon at pumunta sa safari.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...