TW: Cyberbullying
"Is that alright?" Pagtatanong ni Tres mula sa cellphone niya.
Doon ay kausap niya si Manager L na nakinig sa amin kanina kung paano mabubuo ang kanta na ginawa namin. It was already 9pm in the evening at hindi pa kami umuuwi dahil dito. Gusto ni Tres matapos ang kanta bago matapos ang month, magre-recording narin kami pagkatapos ng event sa isang TV show at doon niya sasabihin na may bago kaming labas na kanta.
"Yes! Sayang at wala ako diyan, I want to see y'all!"
"We missed you Manager!" Ani Uno pati Dos.
Napalingon ako kay Art. Nakatingin lang siya sa cellphone ni Tres at hindi kumikibo. Ganyan siya simula nung sinabi kong lilipat na kami na hindi pa naman sigurado dahil ayaw ni papa na umuwi doon. Doon pa rin ako sa condo niya nags-stay at nagkakausap lang kami kapag inuunahan ko dahil ang tahimik niya talaga.
"Miss ko na rin kayo, ipapadala ko sainyo ang mga susuotin niyo sa monday. Andito ako sa shop kaya hindi ako nakabista sainyo riyan. Ready na ba kayo?"
Tumango kami kahit hindi naman niya kami nakikita. Last week ay bumisita kami sa studio ng show na yon para i-practice ang opening namin. Pati ang mga itatanong at oras na inilaan para sa amin ay kinabisado namin dahil live iyon. Una ay lalabas kami sa opening, after four commercials lalabas maman kami sa closing, nakakapagod pero worth it.
"By the way. Mickey, activate your fb acc. I can't tag you together with them."
Natigilan ako doon. Napalingon din sa akin ang lahat. Hindi ko pa yon nagagalaw simula nung dineact ko at parang hindi pa ako ready ibalik.
"Sige po."
Natapos ang practice namin ng 10pm. Mga inaantok na kami at pagod, malapit na rin ang finals namin kaya sasabay ang pagre-review sa practice at recording namin. Ga-graduate na sila at excited ako para doon!
Pagbaba namin ay nagulat ako dahil nauna na si Art at parang nagmamadali. Nagkatinginan kaming apat at bumulong sila na sundan ko ang binata.
Sinundan ko naman siya na nagsusuot na ng helmet. Ni hindi siya lumingon sa akin kaya lumipat ako sa kabilang bahagi ng motor.
"Art, saan tayo pupunta?"
Ang tanga ko. Ni hindi niya binigay sa akin ang helmet at sumakay na sa motor, anong 'tayo'?
"I'm sorry, mauna ka na sa condo may pupuntahan lang ako."
Hindi ko pa natatanong kung ano ang pupuntahan niya ay humarurot na siya paalis. Naiwan ako doon na nakatulala lang sa likod niya. Hindi niya pa ako iniwan nang ganito kahit na nagmamadali siya, ano kayang meroon at nagawa niya yon ngayon?
"Mickey! Saan daw punta non?" Ani Uno.
Lumingon ako sa kanila at nakitang kabababa lang nila. "E-ewan."
Tumango si Uno bago ako akbayan. "Una na kami, wala akong sundo. Magco-commute lang kami."
Nakipag-apir siya kayla Tres at Dos bago kami maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
"Don't worry, wala yong babae." Ani Uno nang huminto kami sa kanto.
Natawa ako at nahampas siya, "Hindi ko naman iniisip na may babae siya, nagtataka lang ako kung ano yung pinuntahan niya."
"Ask him when he got home."
Hinintay niya ako makasakay bago siya tumawid sa kabila dahil doon niya hihintayin ang binook niyang sasakyan. Pagkauwi ko ay nagpasya akong magluto ng pagkain dahil kanina pa kaming 8 kumain, paniguradong gutom na yon.

YOU ARE READING
Peace Amidst Chaos
RomanceDrums and loud music, that's all I need to drown all the voices inside my head. I always find calmness by playing drums, pero pagdating sa laro ng buhay ko hindi ko na yata kayang kumalma. But on a very special day, someone heard my thoughts, someon...