Chapter 33: A Twin's Love

6.4K 185 4
                                    

Demonise's Point of View

Nagpaalam muna ako kila Mang Domeng para lumabas saglit at magliwaliw ng may nakita akong pamilyar na bulto ng katawan.

"Angelo?" Tanong ko.

"DEM!" Sabay lundag sakin ng isang mahigpit na yakap.

"Aba. Miss na miss mo yata ako kambal?" Nakangisi kong tanong. At dahil kambal ko siya, ngumisi rin siya.

Totoo kayang kambal kami?

Nawala ang ngisi ko at napalitan ng isang mapaklang ngiti pero agad ko ring ibinalik para hindi niya mapansin.

"I called grandpa tungkol sa, *ehem* sa pagtanggap mo sa trono at sinabi niya na nandito ka nga raw at kailangan mo ng--"

I cut him off.

"Paano nalaman ni Grandpa na nandito ako?" Mahinang tanong ko.

Agad ko siyang hinila papunta sa loob at ng nakasalubong ko si Tunner ay agad kong hinawakan ang braso niya.

"Magkaliwanagan nga tayo, paano nalaman ni grandpa na nandito ako at paano niya nalaman na....na....na g-ganito yung sitwasyon ko?" Tanong ko kay Tunner.

Hindi ito sumagot bagkus, sumulpot sa tabi niya si Mang Domeng at binigkas ang katagang nanggulat samin ni Angelo.

"He's my brother"


"Ha!?" Angelo "What!?" Ako


"IS THAT TRUE?!" kami ni Angelo.

Pero hindi nasagot ang tanong namin at pinalitan ng isa pang tanong na nakapagpatahimik sakin.


"Paanong may kambal ang nawawalang reyna Mang Domeng?, wala siya sa kahit na anong painting at kasulatan." Tanong ni Tunner.

"Ano bang pinagsasabi niyo?,sino ba yang nawawalang reyna? At sino ang kambal?, kami ba?, pero sino ang nawawalang reyna?, si Demonise?"

Right after he said those word napatahimik si Tunber at Mang Domeng.

At pumatak na naman ang luha ko.

Okay naman ang buhay namin noon. Masaya naman kami kahit papaano.

Malakas naman ako dati, bakit ngayon ang hina-hina ko na?


Hindi nga ako umiiyak noon, pero ngayon bakit ako nagkakaganito?


Hanggang kailan ba ako magkakaganito? Hanggang kailan ba matatapos lahat ng ito?


Kung panaginip lang lahat ng ito please gisingin niyo na ako sa bangungot na to.


Kahit labag sakin.....


Kahit ayaw ko.....

Binitiwan ko ang mga katagang mukhang pagsisisihan ko pa....


"Magpa DNA test tayo."


Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon