3:2

2.9K 61 2
                                    


*****

Nagsimula ang libro sa pagbabalik ng masked Queen sa Vizuelle University. Reyna ng mundo ng mga hangal. Ang Black Market/Underground City. Ngunit sa kanyang pagbabalik ay kinakailangan niyang magpanggap bilang isang inosente at lampa. Sa kanyang pagpapatuloy ay nakilala niya ang limang Varsity Players ng University na tinatawag na G5 o mas kilala bilang dating 'The Great Five" sa Gangster Arena na kanya namang binansagang "Gaya Five". Sa kanyang pakikihalubilo ay nagmistulang lumambot ang kanyang puso, hindi na bilang ang Panthom Member ng The Markers Gang, o maski ang Masked Queen na si Vlamour kundi ang Demonise Vizuelle. Nang sandaling naranasan niyang maging normal ay nagbalik ang Dark Emperors. Ang dahilan ng sakit at puot sa kanyang puso sa paniniwalang sila ang pumaslang sa kanyang Ama. Sa takot na madamay ang mga tao sa paligid niya, lumuwas siya at nagpakahirap sa pageensayo sa ibang bansa at nang nakabalik ito ay tuluyan niya nang napaslang ang pinuno ng Dark Emperors na rason kung bakit nabura ng tuluyan ang Dark Emperor sa mundo ng mga hangal. Sa tunay niyang mundo. Ang mundo kung saan siya nabibilang. Siya bilang si Vlamour. At sa kaniyang pagbabalik ay nagulantang siya ng nagpakalat ng maling balita ang 'Queen Bee' ng Vizuelle University, si Nicole Alcantara na rason kung bakit gumuho ang pagkakaibigan nila. Siya at ng G5 dahil sa kawalan ng tiwala. Nang lumaon ay nagkabati sila at pati narin si Nicole Alcantara. Nang nararamdaman niya nanaman ang paglambot ng kanyang puso ay bigla nanamang nagkaproblema ang kanyang relasyon sa kanyang kapatid ng inakala nilang hindi sila tunay na magkapatid pero nang mapatunayan nilang tunay silang magkapatid ay ang paglabas din ng katotohanang ang kinikilalang ama at ina nila ay pinsan lang pala ng tunay nilang mga magulang na napaslang dahil sa inakalang pagtratraydor. Dahil sa napakaraming pangyayari sa buhay niya. Ninais niyang magsimula ulit. Iniwan niya ang kanyang mga kaibigan, ang kanyang kapatid, ang kanyang buhay. Bilang si Fourth Panthom at bilang si Vlamour. Iniwan niya ang kanyang mga katauhan at lumipad siya patungong Italy para gumawa ulit ng bagong pangalan. Sa sentro ng industriyang kanyang kinabibilangan. Dito niya natagpuan ang sarili bilang ang most wanted hired assassin. Ang Game Keeper ng Italy na si Fractal. Sa kanyang muling sinimulang buhay at sa kanyang pagtatago sa tulong ni Master Blue o ni Asul, isa sa mga naging trainer niya noong nagensayo siya sa ibang bansa, nakagawa siya ng pangalan at muling bumuhay ng bagong katauhan. Napansin siya ng pinuno ng pinakatanyag na grupo sa Arena ng Italy na Blood Stain at inalok nila ito bilang kagrupo. Nang hindi ito pumayag ay personal na inalok ito ng pinuno. Sa katauhan ni Crade Frontierre. Sa sandaling inalok niya ito at pumayag sa kasunduang papayag siya ngunit ang katumbas nito ay papayag rin ang lalaki na maging kanyang kasintahan. Sa sandaling iyon ay may sinagip silang batang lalaki mula sa isang natutupok na bahay. Dahil wala nang pwedeng kumuha sa bata bukod sa welfare ay nagpakasal sila para legal na maampon ang bata. Nang naging payapa sa sandaling panahon ang buhay niya ay naging magulo ulit ito sa kanilang pagbababalik. Kinailangan nilang bumalik sa Pilipinas para sa negosyo ng pamilya ni Crade at ang layunin nilang maghanap ng Next Generation of Reapers. At nang nalamang nasa Pilipinas ang isang mataas na miyembro ng Arena ng Italy ay binigyan sila ng 'warm welcome' para bigyang babala na nasa teritoryo sila ng Arena ng Pilipinas. Kaya napagisip-isip nilang kailangang itago nila sa isang ligtas na lugar. Itinago nila sa Cursed Side of the Village o ang lugar kung saan nalaman ni Demonise ang kanyang buong pagkatao ang batang si Blaze. Kinailangan nilang maghanap ng Next Generation of Reapers at mga taong may kakayahan para pasukin ang mga blocked sites o hackers/tech freaks at sinimulan nila ito sa pamamagitan ng pagbalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, sa Vizuelle University. Sa kanilang paghahanap, nakuha nilang muli ang atensyon ng dating mga kaibigan ni Demonise, ang G5. Hindi isang lihim sa lahat na may nararamdaman noon paman ang pinuno ng G5 na si Kast Dane Sandoval at ng isa pang miyembro na si Briann Lim. Dito rin nabuo nila Demonise at Crade ang grupo ng unang batch na nahanap nila bilang mga bagong reapers at hackers. Si Grace, Alyana, Glyda, Joshua, Caleb, at si Asul. Nang nagsisimula nanaman silang maghanap ng kasamahan nila sumulpot sa eksena ang Zodiacs, ang Next Generation ng Zodiacs dahil narin sa utos ng orihinal na zodiacs upang mabuo muli ang zodiacs at para mabuo ito ay kakailanganin nilang mapasangayon si demonise para maging isa sa kanila. Kinailangan niyang ilabas ang isa niyang katauhan bilang si Vlamour para pasunurin ang Zodiacs. Nabuo ang pagkakaibigan sa pagitan nila. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay nalaman ni Angelo na may pamangkin na pala siya kaya naman napagisipan nilang dalawin sa Cursed side ng village si Blaze. Sa araw na iyon napagkamalan silang mga bandito, mga trespasser at napakawalan ng makilala sila ni Tunner. Sa araw na ito rin kinuha at dinampot ang batang si Blaze. Dahil sa kagustuhang mahanap nila si Blaze ay kinagat nila ang bawat pain. Bawat pangloloko. Nang mapadpad sila sa Italy, sa araw ng unang taon na paglipas ng nawalay sa kanilang piling si Blaze ay kinagat nila ang huling pain. Sa pagkakataon na ito unang bumitiw at sumuko ang dalawa sa paghahanap sa batang si Blaze. Napakawalan man nila ang taong nanloko nanaman sa kanila, nailigtas naman nila ang isang batang lalaking kaedad lang ni Blaze sa isang natutupok na ride. Si Drake. Ang batang pupuno sa puwang na idinulot ni Blaze sa puso ng ating bida. Ang babaeng Angel outside but Demon inside.

Hindi diyan nagtatapos, tunghayan natin ang muling pagikot ng roleta.

Ang pagtuklas sa mga lihim ng nakaraan na magpapabago sa ikot ng daloy ng istorya ng kasalukuyan.



Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon