2:6

6.3K 148 1
                                    

Demonise's Point of View

Pagkauwi namin tinawagan ko kaagad si Asul.

"Anong maipaglilingkod ko boss?" Napangisi naman ako sa bungad ng walanghiyang poncio pilatong tinawagan ko.

"Gago ka talaga Asul. Kailangan ko ng bagong identity pati narin ni Crade. I enroll mo na rin kami ni Crade sa University ko."

"Wow na wow. So, you're finally back?" Inismiran ko nalang siya at pinatay na ang tawag.

Bago kami makauwi ay nag-usap muna kami ni Crade sa sasakyan habang nakatulog naman si Blaze.

*Flashback*

"Anong balak mo ngayong nakita mo na ang isa sa kanila?"

"Hindi ko pa alam. Masyadong biglaan. Ni hindi ko napaghandaan ang pagkikita namin ni Miko. Isa siya sa mga itinuturing kong kaibigan noon. Pero natitiyak kong susundin niya ang sinabi kong hindi muna niya sasabihin sa kanila ang pagbabalik ko."

"Paano na ang kakambal mo? Hindi mo ba siya pupuntahan man lang?"

Napatingin ako sa gawi niya. I'm sure gusto niya din makita kung sino ang brother-in-law niya. Ngunit mas masaya kapag may thrill. Napangiti ako sa naisip ko.

"I don't like that smile Dem." Nakabusangot na sabi niya.

"Masyadong boring kung walang thrill Crade."

"Huwag mo akong idamay."
Nakabusangit parin ito. Pero hindi ko iyon pinansin.

"Mag-eenroll tayo sa University ko and we will surprise the hell outta them. Sigurado akong magugulat sila."

"You really love surprises don't you?" Iritadong pahayag niya.

"You'll like it. Trust me." Nginitian ko siya. Hindi siya umimik at pinaglaruan nalang ang buhok ko.

*end of flashback*

Not yet. Hindi pa ito ang oras para balikan ang lahat. Ang tanging mangyayari lang ay malalaman nilang buhay ako at iyon lang ang purpose nito. Aasikasuhin ko narin ang lahat ng mga gusot sa University ko at isasakatuparan ko narin ang plano ko.

I will make the Vizuelle University the lair of all the gangsters. Gagawin ko itong fighting ground at eensayuhin ko lahat ng mga students para maging malakas para maipagtanggol nila ang sarili nila. Gagamitin ko ang lahat ng connections ko. At gagawin ko ang plano kong gawing Main lair ito ng mga gangsters. Babaguhin ko rin ang kalakaran. Para nang sa gayon ay dito manggaling ang pinakamaraming hanay ng mga gangsters at kapag nangyari iyon ay mas madali ko silang macontrol sa pagbabalik ko bilang si Vlamour. At natitiyak kong magtatagumpay ako sa lahat ng plano ko.

Pinasadhan ko ng tingin ang natutulog na si Crade at sa tabi naman nito ay si Blaze.

Kailangang mailayo ko si Blaze sa gulong papasukin ko. Si Crade hindi ko mapipigilan dahil kahit naman alam kong papayag itong ilayo muna si Blaze ay natitiyak kong hindi niya gugustuhin kapag sinabi kong pati siya ay lalayo. Mananatili siya sa tabi ko.

I can't afford to see them hurting. Baka kung ano pa ang magawa ko. Ngayon pa't alam kong napakalaki ng pagbabagong idinulot ng pagtretrain ko sa Italy. Masyadong malalakas ang mga gangsters sa Italy kumpara sa mga gangsters dito at isa rin iyon sa mga plano ko. I will ask Crade's help para sa bagay na iyon. Matagal na niyang alam ang plano ko. Napag-usapan na namin ito noon sa Italy and ako ang nasurprise dahil balak daw talaga niyang magpatayo ng branch nila dito dahil kakailanganin niya yon para sa mas mabilisang paghahanap ng mga bagong kasapi na ipapadala niya sa Italy upang makipaglaban. Siya parin ang tumatayong Pinuno at responsibilidad parin niya ito.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon