3:10

1.2K 28 3
                                    

Rhiannon Dela Vega's Point Of View

Naalimpungatan ako dahil sa ingay. I saw Claude and Allen trying to calm Blaze while Will and Vander are trying to hold Drake. Kita ko ang matatalim na titig ni Blaze at Drake sa isa't isa. Samantalang si Claude at Allen naman ay nagjajakenpoy sa gilid.

"sige 5K, kapag nanalo yong pamato ko tangina mo Allen huwag kang mandadaya kundi ipapakalat ko sa lahat ng chix mong may HIV ka gago."

"Fuck you Claude, wala akong HIV. Hindi ako kagaya mong pumapatos ng hipon shit."

Si Rio naman natutulog sa tabing kama. At kailan pa nagkaroon ng isa pang kama diyan? At diba exceeded na ang bilang ng pwedeng dumalaw? Nasaan sila Hiro, Kris at Venice?

"Huwag mo silang pansinin. Kanina pa ang mga yan nagsisisishan kung bakit napabayaan ka."

Napatingin ako kay Troy nang magsalita ito sa tabi ko.

"Asan yung iba?" Tanong ko. Binalewala ko nalang ang sinabi nito. Mukhang hindi pa alam ng iba na nagising na ako dahil masyado silang abalang magtitigan.

"Si Nior inutusan nanaman ni Rio na bumili ng pagkain nating lahat. Natalo sa pustahan. Yung tatlong hackers naman nagpaiwan sa school, sila daw magpapaliwanag sa nangyari sa rooftop. Deans Lister pala yung Katrina at maganda ang record. Balita ko stalker daw siya nung Unang Descendant. Yung Dior."

Awtomatikong nanlamig ako. Si Dior? Si Dior ang unang Descendant? Paano ko sasabihin sa kanila ang mga nalaman ko kay Dior? Ngunit wala naman kinalaman ang mga ito sa mission namin na hanapin ang nawawalang Frontierre. Mas mabuti sigurong hindi ko muna sasabihin ang mga sinabi niya tungkol sa pagkatao ko. Kailangan ko muna ng apat na ebidensya para sabihing totoo lahat ng sinasabi niya.

Pagkatapos ng mission, magpapa-DNA test ako at aalamin ko ng lahat ng kailangan kong malaman.

"Is there anything wrong? Your hands are cold." Hindi ko namalayang hawak na pala ni Troy ang mga kamay ko. Nakangisi ito. Agad kong binawi ang kamay ko.

"Buti nalang abala ang lahat. Hindi nila nakita ang paghawak ko sa kamay ng mahal na Reynang Potentials." Sambit nito

"Tumahimik ka Troy. Hindi ba't sabi ko noon sa Italy--"

"Yeah. Yeah. You don't need to tell me again. Masakit Rhia, wala ka bang pakiramdam? You're so blunt, Its hurting me." May nalalaman pa siyang paghawak sa kanyang dibdib na parang may nakatarak na punyal sa kanyang puso. Inismiran ko nalang ito.

Bigla itong nagsalita. "Look at them Rhia. Mukhang madadagdagan nanaman ang kaming nag-aagawan." Seryosong sambit nito.

Napatingin ako sa iba. Malapit na silang magsuntukan kaya nagsalita na ako.

"Kapag hindi pa kayo tumigil sisisguraduhin kong ako mismo ang gugulpi sainyong dalawa." Agad silang napahinto.

"Rhia." mabilis na naka lapit si Blaze. Agad niya akong niyakap.

"Are you okay? Shit! Anong masakit sayo? Damn." Napasabunot ito sa kanyang buhok. Akmang hahawakan niya ang pisngi ko nang biglang may tumabig sa kamay niya.

"She's Damn okay. Don't go near her. She needs to rest. Hindi siya pwedeng dapuan ng kahit na anong klase ng balat--- sabi ng doctor."

Kita ko ang pagtiim bagang ni Blaze. He don't like being touched. Mas lalong ayaw niyang tinatabig siya.

"w-what?" Takang tanong ko. Anong pinagsasabi niya? Nahimatay lang ako.

Narinig ko ang pagtawa ng iba. Nangunguna ang malakas na pagtawa ni Claude at Allen na nakahawak pa sa kanilang tiyan.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon