2:16

5.3K 129 1
                                    

Third person's Point of View

Monday

Naagaw ng tatlong magkakasunod na magagarang sasakyan ang atensyon ng mga estudyante sa parking lot ng Vizuelle University. Isang kulay dilaw na kotse na sinundan ng isang kulay Ube at kulay Asul na sasakyan ang sunod-sunod na nagdrift. Nagsibabaan ang mga driver ng mga ito.

Tatlong mga babae.

Kyla, Shane and Mae. Ang tatlong kaibigan ni Demonise na lingid sa kaalaman ng karamihan ay mga gangmates ni Demonise. Ang Markers Gang.

Magsiatrasan ang mga estudyanteng nadadaanan nila. Nang nakasabay nila ang G-Five na nanggaling sa kanang bahagi ng paaralan kung saan may sarili silang pwesto o parkingan at pinagbawalan ang iba pang estudyante na magparking at dahil sa takot ay sinusunod sila ng mga estusyante lalo na sa mga humahanga sa kanila.

Namukhaan ni Kyla ang isa sa kanila, tatlong taon na ang nakakalipas nang aksidente nitong nakita ang mga ito sa Tom's world kasama si Demonise ngunit hindi nalang nito sinabi sa kaibigan ang nakita niya dahil alam niyang ayaw ni Demonise ang pinapakialaman ang mga personal na lakad niya.

"Hey! Kilala niyo si Demonise diba? She's our friend. Hinahanap namin siya." Sabi ni Kyla.

Napatingin naman ang mga ito. Nagulat sila ng pumayag si Kast at pinahintulutang sumama muna sa kanila sa Cafeteria dahil mag-aalmusal muna ang limang mga bangag at walang tulog dahil may nakapasok nanaman sa site ng Arena at napapadalas na ito kaya nagsisimula na silang mangamba lalo na at hindi nila alam kung kakampi o kalaban ito. Pumayag naman ang tatlong babae dahil balak din nilang umorder ng agahan dahil sa sobrang excited ay nakalimutan na nilang mag-agahan.

Habang hinihintay nila ang kanilang mga inorder ay sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng konklusyon si Briann at Kast na ang tatlong babae sa harapan nila ay pamilyar sa kanila ngunit ipinagsawalang bahala na nila ito.

Samantala, dahil kulang din sa tulog si Demonise at Crade dahil sa pagtratrabaho at paghahanap nila buong gabi ng mga may potensyal na maging intel at reapers ng mafia sa tulong ng apat na sina Grace, Asul, Caleb at Jethro ay hindi na sila nakapag-almusal dahil sa pagmamadali.

Napagdesisyonan nilang makikitira muna sila Grace, Asul, Caleb at Jethro sa bahay nila para mas mapadali ang paghahanap ng kanilang mga magiging kasapi. Sa unang guest room sa Second Floor ng bahay ang magiging kwarto ni Grace at sa tapat naman ito ay ang magihing kwarto ni Asul na umaga palang ay nakakabangayan na niya. Ang dalawang dating magkaaway naman na si Jethro at Caleb ay nagbati na dahil sa tulong ng pagbabanta ni Demonise at dahil narin sa kagustuhan matigil na ang away nilang dalawa, at magkakasama sila sa kwarto sa first floor medyo malapit sa kusina. Napagdesisyonan nilang hindi magsabay-sabay sa pagpunta sa University dahil magpapalate ang iba pa sa kadahilanang hindi sila pareparehas ng schedule.

Nang nakaparking na silang dalawa na gumamit ng iisang sasakyan ay napansin ni Demonise ang tatlong magkakatabing sasakyan na iba-iba ang kulay.

"Posible kayang sila ang may-ari ng mga yan? Pero ano naman ang gagawin ng tatlong 'yon dito?" Tanong nito sa sarili.

"Let's eat first." Sabi ni Crade sa dalaga at tumango naman ito at dumeretso sa Cafeteria. Pagkatapos nilang mag-order ay uupo na sana sila sa pinakamalapit na mesa ng may tumawag sa kanila.

"Demonise! Dito!" Napatingin ang Dalawa sa sumigaw. "Mae? Kyla? Shane?" Tanong ng dalaga at hinila ang katabing si Crade papunta sa grupo na nasa gitna ng cefeteria.

"What are you doing here?" Tanong ng dalaga.

"Ikaw ha! Di ka manlang nagsabing bumalik ka na dito." Palatak ni Kyla na sinang-ayunan naman ng dalawa pa. Samantalang nakikinig lang ang iba. Mabuti at walang masyadong mga estudyante dahil maaga pa naman at konti lang ang napapadaan sa cafeteria sa mga oras na ito.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon