2:9

6.2K 117 3
                                    

Demonise's Point Of View

Pinasadhan ko ng tingin ang kabuuan ng classroom. Nadako ang tingin ko sa likurang parte kung nasaan ang limang mga lalaking minsanan nang nagkaroon ng lugar sa buhay ko.

Si Justin na hindi pa nakakabawi sa pagkagulat, si Miko na may pagtataka ang mukha, si Briann na mukhang nakabawi na sa gulat at nag-ayos ng upo, si Leigh na tahimik na nagmamasid, at si Kast.. na nakatitig saakin, saamin gamit ang kanyang walang emosyong mga mata.

Inilihis ko ang paningin ko sa lima at nabaling ang tingin ko sa guro.

"Demonise Vizuelle." Pakilala ko.

"Crade Frontierre."
Pakilala naman ni Crade.

Wala paring umimik sa kanila. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at hinila na si Crade papunta sa dalawang bakanteng upuan sa may bandang likod.

Mukhang saka lang sila nakabawi sa pagkagulat ng tuluyan na kaming nakaupo ni Crade.

"S-so, m-may test kayo ngayon.." utal na sambit nito.

Coward. Isip ko.

Ang mundo ay mapait at mabagsik. Nasa sa iyo kung magiging matapang ka o magiging mahina ka. Dapat nating tanggapin na talagang may mas matapang at may mas mahina. At sa dalawang kategoryang iyon, nasa hanay siya ng mga mas mahina.

May test pala ngayon. Nice first day may test. Bravo!

Napatingin ako sa gawi ni Crade nang sinipa niya ng medyo may kalakasan ang upuan ko.

"Takas tayo." Bagot na sabi niya.

Napangisi naman ako sa tinuran niyang iyon. Gago talaga to. Pero magandang ideya iyon. Masyadong boring kung mananatili lang kami dito. Mas gugustuhin ko pang matulog.

Napatingin ako sa guro sa harapan na halatang tense at magulo na ang pagsusulat at napatingin ako sa bintanang nakabukas. Mabuti at malaki ang bintana. Kakasya ang isang tao. Nasa third floor kami. Easy as pie.

Napangisi ako sa naisip ko. Sinipa ko ng kaunti ang silya niya kaya napatingin ito sakin. Nakita ko ang bagot niyang mukha.

Nakaramdam ako ng mga matang nakatingin saamin. Pero hindi ko iyon pinansin. Maaaring mga mata lang iyon ng mga kaklase naming hindi pa nakakamove on sa pagkagulat.

Itinuro ko ang bintana gamit ang nguso ko. Tumango naman ito at tumayo na parang rarampa lang at walang pakialam na naglakad papunta sa likod, tumigil ito.

"Mauna ka na. May gagawin lang ako." Sambit niya.

Tumayo ako at dire-diretsong tumalon sa bintana at ipinosisyon ang katawan ko para sa tamang pag landing sa lupa.

Crade's Point Of View

"Mauna ka na. May gagawin lang ako."

Dire-diretso itong pumunta sa bintana at tumalon. Parang pusa lang itong walang pakialam kung mamamatay basta makatakas lang sa kanyang among sasaboy sakanya ng mainit na tubig. Masyado siyang kampante na maglalanding siya ng tama.

That's my girl.

Nabaling ang tingin ko sa guro.

"Sir." Tawag pansin ko.

"Y-yes Mr. Frontierre?" Tense siya. Natatakot siya. Paano niya madidisiplina ang mga estudyante niya kung siya mismo takot?

"I'm going out with Miss Vizuelle."

Nakita kong pinasadhan nito ng tingin ang upuan ni Demonise pero dahil wala ito sa upuan niya ay napakunot noo ito.

"O-okay... Mr. Frontierre." Nagtatakang sagot niya.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon