Chapter 31: tears

6.4K 176 1
                                    

Demonise's Point of View

Kasalukuyan akong nakatitig sa langit habang nakahiga sa damuhan sa likuran nitong magarbong bahay.

Nalilito parin ako.

Ang totoo hindi ko maintindihan

O sadyang ayaw ko lang na intindihin.

Kanina, pagkatapos naming kumain iniwan nila ako para makapaglibot at magliwaliw sa mansyon.

Napadpad ako sa isang kwarto. Isang kwartong punong puno ng mga larawan.

Hindi maalikabok, bagkus ay sobrang linis nito na parang palaging linilinisan.

Gulat ang agad na rumehistro sakin.

Sa isang larawan...

May babae at lalaki...

May korona sila.

At may bata...

Nakangiti ito habang hawak niya ang isang aso.

May kakaiba akong naramdaman ng haplusin ko ang larawan.

Isa itong painting.

Ng may nabasa ako na sa hindi ko malamang dahilan ay nagpatibok ng puso ko ng sobrang bilis.

The great King Luce Francisco Zumberg II, Queen Isabela Ferlan Zumberg and Princess Cassandra Isabelle Zumberg.

Binalikan ko ng tingin ang litrato at tumingin sa ibang larawan pero napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ang may kalakihang litrato o painting.

Bakit...

Bakit ako ang nasa larawan?

It is me holding a necklace, a red diamond necklace, wearing a beautiful red gown and a crown.

Pero... Iba ang nakasulat.

Princess Cassandra Isabelle Zumberg of Catalania

Bakit? Bakit magkamukha kami? Bakit... Ako yun alam ko! Pero bakit? Paano?

"B-b-bakit... b-bakit ako nandiyan... b-b-bakit... p-paanong magka... magkamukha kami?"

Wala sa sariling tanong ko.

Bakit nga ba?

May kapatid ba ako?

Bakit di ko kayang tanggapin.

Parang ayoko.

Ayokong malaman na nagsinungaling sila mama sakin.

Ayokong paniwalaan.

Ayoko.

Alam kong ako si Demonise Vizuelle.

Tumakbo ako palabas.

Nahinto ako ng may mabangga ako... Hindi ko alam pero napahagulgol nalang ako...

"Demonise?" Napahinto ako sa pag-alala sa nangyari kanina ng tumabi sakin si Green.

Sa kanilang tatlo siya ang pinaka cold.

"Hmm?"

"Okay ka lang ba?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Yumuko ako at bumuntong hininga.

"Hindi Green... hindi ako okay." sa unang pagkakataon, Inamin ko ang kahinaan ko.

Tumulo ang isang butil ng luha.

Isang luhang punong-puno ng kalungkutan.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon