2:10

5.7K 140 1
                                    

Demonise's Point Of View

"Demonise.."

Pumikit ako ng mariin at inihanda ang sarili ko, not just physically but also emotionally. Kailangan maging handa ako.

Pagkaharap ko sa kanya nakita kong umagos ang luha mula sa dalawang malulungkot niyang mga mata.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi ako nakapagsalita sa pagkagulat.

Hindi ito ang inaasahan ko, inaasahan kong tatanungin niya ako kung saang lupalop ako nagpunta dahil nawala ako ng sobrang tagal o tatanungin niya ako kung bakit ako nawala na parang bula. Inaasahan kong magagalit siya.

Hindi kaagad ako nakapag-react. Parang napako ako sa mismong kinalalagyan ko.

Napansin ko ring nagangat-baba ang kanyang mga balikat. Umiiyak siya.

Masyado ko ba siyang nasaktan? Masyado ba akong naging makasarili para iwan siya, sila at ang buhay ko dito?

Hinaplos ko ang likod niya na para bang isang nanay na nagpapatahan ng kaniyang anak na umiyak dahil inagawan ng candy.

"Maiwan ko muna kayo." Sambit ni Crade at medyo lumayo. Buti nalang at nakakaintindi siya. Nginitian ko naman siya pabalik para sabihing 'oo'.

"Angelo.." sa wakas nakapagsalita narin ako. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para bangitin ang pangalan niya.

Napabitaw ito ng yakap saakin at pinunasan ang kanyang mukhang puno ng luha. Mugto narin ang mata niya.

"I missed you, you know that?" Medyo nakakunot noo pa nitong sabi.

"I know. Sorry." Sincere na sagot ko.

"Don't worry, Crade and I are here and I promise that I will never leave you again."
Nakangiting pahabol ko. Panatag akong maiintindihan niya ang naging desisyon ko. Kung hindi ngayon, sa tamang panahon o balang araw.

Napakunot noo naman ito.
"Who's Crade? Don't tell me kapatid natin yan na nawawala at nakita kayo sa kung saan ka man nanggaling o hinanap mo siya?" Muntik na akong mapatawa. Si Crade kapatid namin?

"Are you kidding me Angelo Vizuelle? Are you really asking me if my husband is our sibling?" Natatawang sagot ko.

"Wait.. did you just said that this Crade, is your husband?" Gulat na tanong niya.

"Yes." Diretsong sagot ko.

"Are you the one whose kidding me, Demonise Vizuelle?" Naniningkit mat niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me? Do I look like a clown to you my dear Brother to entertain you some jokes? And correction, its Demonise Vizuelle-Frontierre." Nakangising pahaya ko.

"Well, I want to set a meeting to finally meet my brother-in-law." Nakangisi nitong sagot.

"No need, you already met him minutes ago, while crying like a baby." Nawala ang ngisi niya.

"Shut up sister, and don't tell me your husband is 'that' guy with you when I saw you?" Tanong niya. Buti at class hours na at wala nang pagala-galang mga students. Hindi nanaman kami nakapag klase. Great.

"Unfortunately, yes."

"Whose Unfortunate?" Nakangising sabat nitong si Crade. Teka, akala ko ba lumayo muna siya? Napakunot ang noo ko.

Tila nagseryoso naman si Angelo. Si Crade naman nakangisi parin hanggang ngayon. May alitan ba tong dalawa? Bakit ang seryoso naman ata ni Angelo?

Angelo's Point Of View

Mukha silang mga normal na tao kung titignan. Normal na teenagers na naglalambingan o naghaharutan. Pero sa likod ng mga maskarang iyan ang kahit kailang ay hindi naging normal.

Akalain mo nga naman, The Queen of Assassins and the King of the Center of All Organizations in the Underworld, Italy.

Hindi ko siya namukhaan kanina sa una kong kita sa kanya dahil marahil sa lubos na pagkasabik ko sa aking kapatid.

Pero ng makita ko ito ng malapitan, sinong hindi makakakilala sa isa sa pinakadelikadong tao sa larangan ng patayan?

He's one of the most successful Gangster in the Underworld. Nahirang siya bilang Hari dahil sa angking liksi nito at talino kahit pa masasabing marami pa ang mga Gangsters na mas malaki ang katawan sa kanya.

Minsanan ko na siyang nakita sa Arena dalawang taon na ang nakakalipas. Noong nagpatawag ng agarang pagpupulong dajil sa pagkawala ng isang mahalagang Miyembro ng Council. At masasabi kong ibang-iba siya sa nakikita ko ngayon. Para itong naging maamong tupa.

I guess, kapalaran talaga ng kapatid ko ang manatili sa puder ng mga taong hindi kailanman magkakaroon ng kapayapaan.

Huwag lang niyang saktan ang kapatid ko, magkamatayan na.

"It's an honor to finally meet you, Mr. Frontierre or should I say, brother-in-law."

"Drop the formality, please. By the way, Nice to meet you too, Brother-in-law."

"Mamaya na kayo magkamustahan, may paparating."

Napatingin kami kay Demonise ng nagsalita siya. Agad naman niya kaming hinila papunta sa likod ng mga lockers. Nang mapagtanto ko kung sino ang mga paparating, nakita ko sila Mom, pati na ang napakaraming guwardiya niya.

Mom parin ang tawag ko sakanya kahit na nalaman na namin na tita pala naman talaga siya dahil siya parin ang kinikilala kong nanay.

Napatingin ito sa gawi naman pero agad ding dumiretsong lumakad at hindi pinansin. Marahil ay nakaramdam siya ng presensya.

Pagkaalis nila ay napatingin ako kay Demonise. Mukhang alam na niya ang ibig kong sabihin.

"Hindi pa. Hindi pa ako magpapakita sa kanya. May tamang oras para diyan. Sa ngayon, dahil tapos na ang last class namin, uuwi na muna kami."

"Teka, kami? Magkasama kayo sa iisang bahay?" Agad na tanong ko.

Napataas kilay naman si Demonise.

"Do you have any problem with that, Angelo?" May halong irita sa boses ng kapatid ko ng nagtanong ito.

Sasabat pa sana ako ng napatingin ako sa gawi ni Crade na seryoso lang na nakikinig. Mukhang ayaw niyang sumabat sa usapan namin.

"Yes." Diretsong sagot ko.

"And what do you want me to do? Papaalisin ko siya? Just a reminder my dear brother, asawa ko siya not just a simple boy next door but he, is my husband. Now If you have any problem about it, deal with it yourself because I will not do anything to entertain your shits."

Napaawang ang bibig ko. What the? Nagmura ba talaga siya sa harapan ko na parang nagchachant lang ng Abc song? At talagang pinanindigan niya ang pagiging asawa niya. I'm surprised. Mukhang nawiwili ako na may bago nanamang tao ang nakapasok sa buhay niya.

Nagbibiro lang naman ako na may problema just to test her, pero mukhang nabigo ako. She's going to choose that man at mukhang kaya niyang makipagpatayan for him at base sa pagtingin at gestures ni Crade, parehas sila.

Hindi ko namalayan na wala na pala sila. Masyado akong occupied.

Napangisi ako. Sana hindi ang pag-ibig ang maging kahinaan mo Demonise.











Huwag kang tumulad saakin.



Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon