2:21

3.1K 80 3
                                    

Third Person's Point of View

1 year later

"Madame, another bunch of letters arrived." Yumuko ang babae at inilagay sa lamesa ang mga dumating na sulat. Hindi na nila mabilang kung ilang batch na ng mga sulat ang dumating.

Ang lahat ng ito ay pare-pareho. Isang itim na envelope na nabahiran ng pamilyar na pabango at ang tanging laman ng sulat nito ay "Happy 1 year of mourning!"

Nanatiling walang emosyon ang mukha ng babaeng nakatayo malapit sa may bintana. Nakasuot ito ng itim na silk dress hanggang tuhod. Nanatiling nakatanaw ito sa malayo. Tila hindi napansin ang pagdating ng kasambahay.

Dumating ang isang lalaking nakatuxedo. Galing pa ito sa isang board meeting. Sinenyasan nitong umalis na ang kasambahay.

Napailing ito nang makitang malapit ng maubos ang laman ng bote ng wine sa ibabaw ng mesa. Sa tabi nito ang napakaraming sulat. Isa lang ang nagalaw at ito'y punit-punit na.

Napasadhan nito ng tingin ang basag na kopita sa sahig at ng tumutulong dugo mula sa kamay ng kanyang asawa.

Umiling ito at kinuha ang medicine kit sa may lamesa. Normal na ang ganitong sitwasyon sa kanila.

Nilapitan nito ang babae at nilinis niya ang kanyang kamay. Nanatiling walang emosyon ang babae. Nakatingin lang ito sa malayo. Ni hindi nito pinasadhan ng katiting na tingin ang lalaki habang tinatanggal niya ang mga bubog sa kamay nito.

Pagkatapos nitong linisin at lagyan ng benda ang kamay nito ay napabuntong hininga ito. Napatingin ito sa tinitignan ng babae. Isang ferris wheel. Carnaval.

"What is it this time?" Tanong nito sa babae.

Sa pagkakataong ito, hinarap ng babae ang lalaki. Walang emosyon. Walang kahit anong sakit at kasiyahan sa kanyang mukha. Ngunit hindi parin ito umimik.

"Are you going to do it again?" Tanong ng lalaki.

Tumingin ito diretso sa mata ng lalaki. Nanatiling walang emosyon.

"Yes. I will never get tired of finding my son."

Sa sandaling ito, hindi nakaimik ang lalaki. Napahilamos ito sa mukha nito.

"Dem, how many times did someone tricked us? And you always want to bite the bait!"

"I don't care how many times I get tricked. I don't care how many times I failed to find Blaze. I will never get tired Crade."

Lumakad ito palayo.

"And what? What will you do this time? Hang the man who tricked you on the post while burning to death? Kill his family like the last time? Kill him in front of his family? What? Is that your way of relieving yourself from all the pain? You're becoming a monster Demonise!"

Napahinto ito.

"They wanted a monster. I decided to give them one."

Hinarap nito ang lalaki. Lumakad ito palapit.

"How do you destroy a monster without becoming a monster?"

Lumapit pa ito hanggang sa nakabalik ito sa pwesto nito kanina.

"Of all people, you know I tried so hard to do it differently. I tried to make them all my friends. But now.. now I want them dead."

Nakangiti na ito habang nakatingin sa Ferris wheel. This is bad sabi ng lalaki sa kanyang isipan. Lumakad na ito palayo.

"Where are you going?" Tanong ng lalaki.

"Into the blood track."


















"Where are we?"

"You're not blind Crade. You know where are we."

Nakihalo sila sa mga tao sa carnaval. Mukha silang mga normal na tao lang na lumabas para magsaya. Nakihalo sila sa mga taong nagsisiyahan, mga pamilyang nagkukuhanan ng litrato, mga couples na nagdedate. Normal lang naman lahat. Normal sa ngayon.

"Demonise let's go. There's nothing--"

Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin nang biglang kumaripas ng takbo ang babae. Tila may hinahabol ito. Hinabol nito ang babaeng may hinahabol. Parang mga pusang naghahabol ng mga daga.

"Excuse me."

"Hey! Watch out!"
"Sorry!"

"I'm sorry."

"Excuse.."

Paulit-ulit na sambit ng dalawa. Napahinto sila ng makitang dead end na.

"Damn!" Sigaw ni Demonise. Habol-habol nito ang kanyang hininga. Ikinuyom nito ang kanyang mga kamao at paulit-ulit na sinuntok ang isang lumang trashcan sa gilid.

Agad namang dinaluhan ni Crade ang babae. Hinuli nito ang kanyang mga kamay at inilayo sa trash can. Sabay yakap ng mahigpit.

"Stop."

Isang salita. Ito lang ang tanging narinig ni Demonise noong mga oras na iyon. Parang bigla itong naging bingi. Nawala ang maingay na carnaval. Mga huni at pagaspas ng mga ibon na malayang lumilipad. Mga speakers na tumutunog sa carnaval. Mga hiyawan ng mga tao sa rides. Nawala lahat
Ang tanging natira ay ang isang salita na binigkas ng kanyang asawa.

Kahit kailan hindi hiningi ng kanyang asawa na tumigil siya. Kahit palagi itong tinatalakan. Parating kinukwestyon. Ngayon, iba na.

"I-I'm sorry.." ang tanging lumabas sa mga bibig nito. Tumayo ito at niyakap ang kanyang asawa.

"I'm sorry too.."

Napakalas ang dalawa sa yakapan ng biglang makarinig sila ng malakas na pagsabog. Nagsimulang magpanic ang mga tao at nagsitakbuhan.

Nang bigla silang makarinig ng sigaw mula sa isang babae.

"My son! Please help my son!"

Walang sinayang na oras si Demonise at tinakbo nito ang nagaapoy na ride. Sumunod naman si Crade. Saktong pagikot ng nagaapoy na ride inabot ni Demonise ang kamay ng bata para sagipin ito. Gumulong ito pababa. At nang masigurong ligtas ito ay hinanap ng dalawa ang ina ng bata. Ngunit ang tanging nakita lang nila ay isang babaeng nadaganan ng natutupok na rides.

Ngayon, ang tanging nakikita lang ni Crade ay ang madungis na mukha ng kanyang asawa dulot ng pagsuong niya sa apoy, habang nakayakap sa isang batang walang malay na ngayon ay ulila na.


************
Abangan ang mga susunod na kabanata. Maraming salamat!

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon