Chapter 35: The Truth

6.6K 177 5
                                    

Third Person's Point of View

Hindi parin mapakali si Angelo. Kabang-kaba siya kahit na sa una palang ay nalilito na siya kung bakit nagpa-DNA test sila ng kambal niya.

Nilapitan niya si Demonise at niyakap.

"Dem, whatever happens I will always be your brother, right?" Ang higpit ng yakapan nila. Alam nilang may mangyayari pero hindi nila inaasahan na ganito kalala. Na ang pagkatao pa nila ang nakataya.

"A-Angelo..." At mas hinigpitan pa ni Demonise ang yakap niya habang tumutulo ang luha niya.

Mukhang nawala na ang pangalan niya at napalitan ng anghel. Mukha siyang isang basang sisiw na naghahanap ng aruga. Napaluha nalang din si Angelo. Ngayon lang niya nakitang umiyak ulit si Demonise pagkatapos ng pagkamatay ng papa nila.

"Heto ang resulta..." Walang emosyong hayag ni Mang Domeng kaya hindi tuloy nila mabasa ang mga mata nito.

Nanginginig na inabot ni Demonise ang folder at binasa.

Unti-unti nang lumalabas ang masaganang luha sa kanyang pisnge habang pumapatak ito tungo sa kanyang leeg at ang iba ay sa sahig. At bigla itong nawalan ng malay.

"Dem!" Mabuti at nasalo siya ni Angelo.

...

Dalawang oras na ang nakalipas at nakahiga parin sa kanyang hospital bed si Demonise. Dala ng mabigat na emosyon kaya di nito nakayanan at nagbreakdown.

Si Angelo naman ay nakaupong balisa.


Sinong mag-aakalang napeke ng Ama nila ang lahat na iisang babae lang ang anak ng kanilang ama?

Sinong mag-aakala na naipuslit ang batang Angelo papunta sa Tita niya?

Oo magkapatid sila.

99.12 Positive

Inakala ng lahat na iisa lang ang anak ng mga magulang nila pero ang totoo ay ipinadala ito ng kanyang ama sa kanyang pinsan pagkatapos maipanganak dahil alam na nitong may mangyayaring masama.

Okay nanaman ang lahat. Okay nanaman ang daloy ng kanilang buhay. Pero ang malaking tanong sa kanila ay...

Ano nga bang talaga ang pangalan nila?

Tanggap na ba nila?

Makakaya ba nilang tanggapin?

Makakaya ba nilang bumalik sa dati?

Magababago na ba ang takbo ng buhay nila?

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon