3:11

1.2K 35 5
                                    

Rhiannon Dela Vega's Point Of View

She lied to me. Hindi ko alam ang rason kung bakit kailangan niyang magsinungaling at maglihim. Nandito at buhay na buhay ang taong sinasabi niyang matagal ng patay.

Rheanon Grace Dela Vega. My mom's name. Ang pangalang nirerespeto ng lahat. The Alpha Commander of the asylum. Ang bestfriend ng nanay ni Blaze na namatay daw sa sunog noong mga bata pa kami. Me and Blaze grew up together on the assylum. Tulad namin, ang mga tao sa asylum ay puros mga natrain para sa mabibigat na missions. Missions na kung saan either ikaw ang pumatay o ikaw ang mamamatay.

Napatitig ako sa mukha ng babaeng tinatawag nilang 'tita Green'. Magkahawig sila ni mom.

Ngumiti ito saakin bago nagpakilala.

"Rhiannon right? I'm Green. You can address me any name that can please you." Nakangiti ito pero mapapansin mo parin ang kanyang malamig na personalidad. Hindi ito mahilig ngumiti.

Hindi ko ito kinibo ng ilang segundo, nakipagtitigan lang ako. Paano ko magagawang paniwalaan ang lahat ng ito kung ang kapalit ng pagtiwala ko ay ang pagtapon ko sa tiwala ko sa nanay ko?

"Rhiannon." Narinig ko ang pagsalita ni Rio. Warning tone. Tumahimik ka Rio, marami ka pang dapat ipaliwanag saakin. Hindi uubra ang pagiging kuya mo saakin ngayon.

"Yes, I'm.. Rhiannon." Pakilala ko. Ayoko namang magmukhang bastos ngunit pakiramdam ko sasabog na ako. Mukha akong tanga sa harapan nila. Lahat sila alam kung ano ang nangyayari samantalang heto ako, walang kamuwang-muwang.

Ngiti ang itinugon nito bago naglakad papunta sa isang silid. Napakaraming mga guwardiya sa paligid. Ni hindi ko alam kung nasaan kami. Damn!

"Nasa cursed side of the village tayo Rhiannon. You're safe here. Don't worry too much." That's my cue. Isang malamig na tingin ang agad kong ipinukol kay Rio. Don't worry too much? Fuck you!

"I think I need to catch some breath." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dumiretso sa balkonahe.

Agad kong pinakawalan ang buntong hiningang kanina pa gustong lumabas. Napakakomplikado naman ng sitwasyon.

How could you do this to me Mom? Kahit kailan hindi ko nagawang kwestyunin ang lahat ng mga lumalabas sa bibig mo, lahat ng desisyon mo, lahat ng pinaniniwalaan mo, lahat ng bagay na konektado sayo.

Hindi ako nahihirapan dahil sa mga bagay na dapat kong paniwalaan.. kundi dahil  nahihirapan ako dahil katumbas nito ang mga bagay na dapat kong itapon. Mga bagay na pinaniniwalaan ko. Mga bagay na dapat pinaniniwalaan ko. Pero bakit ganon? Sa pagsama ko palang kay Rio at Dior dito, mukhang sinabi ko narin na willing akong paniwalaan ang lahat ng mga bagay na malalaman ko dito.

Damn it! Mukha akong tanga ngayon. Ang ayoko sa lahat yung nagmumukha akong tanga.

"When things are broken, we intend to make them whole. When things are fine as whole, we intend to search for something that makes it imperfect. Kahit gaano kalinis ang isang bondpaper, hindi ang kalinisan nito ang mapapansin kundi ang kaisa-isang maliit na tuldok na nakarumi dito."

Hindi ako kumibo. It's Dior. Ha! How can I trust him? He's merely someone I know. But judging how Rio talked and trust him, I know he's not lying.

It's just that..

I'm.. still not ready to believe everything. Lie to me once and I'll doubt everything you'd tell me for the rest of my life.

"If you're not ready, you don't need to believe it. You're here to hear us. We're not forcing you to believe us." Tumalikod na ito. Hindi pa ito masyadong nakakalayo nang lumingon ito ulit.

"whatever you hear here, you must only keep it to yourself no matter what happens. Don't interfere in their problems, may sarili kang problema para problemahin."

Wala akong naiintindihan sa kanyang binitiwang salita. Nakakawalang gana ang lahat. I let out a sigh before leaving the balcony. Sumunod narin ako sa kagustuhan kong sana matapos na lahat ng ito.

Nagsiupuan kami sa isang mahabang sofa. Naabutan naming naguusap si Tita Green at Rio. Nakita kong lumingon sa gawi namin si Rio pero hindi ko manlang ito pinasadhan ng tingin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

*******************************************************************************************************

"Dito nalang kami. Thanks Bro." Nakangiting pahayag ni Rio. Tumingin ito sakin na tila hinihintay na magpasalamat din ako. Diretsong pinasadhan ko ng tingin si Dior at tinunguan bago pumanhik sa loob ng dorm. Pagbukas ko ng pintuan agad bumungad ang lahat. Mukhang hinintay nila kami.

"What happened?" tanong ni Blaze.

Halos panghinaan ako ng loob. Halos gustuhin kong maglaho. Halos isumpa ko lahat ng nalalaman ko. Halos.. Halos.. Halos gustuhin kong sana hindi ko narinig ang lahat.. Sana hindi nalang. Sana umalis nalang ako nang malaman ko ang lahat. I'm sorry Blaze. I'm really sorry.

Baka hindi ko mapigilan at masabi ko nang tuluyan ang lahat. Agad kong ibinalaing ang paningin ko sa ibang bagay. "Nothing. I just.. want to take some rest." Walang ganang pahayag ko at dumiretso sa kama ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Mukhang pumasok na ang magaling kong kapatid. Narinig kong tinanong rin nila si Rio ngunit tulad ko ay tumanggi rin siyang sumagot.

Tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko. Sa mga panahong iyon, agad rumagasa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tahimik na ikinulong ko ang kabuuan ko sa loob ng kumot habang pinipigilang kumawala ang mga hikbi ko.

Naalala ko nanaman ang mga salitang ibinigkas ni Dior.

"whatever you hear here, you must only keep it to yourself no matter what happens. Don't interfere in their problems, may sarili kang problema para problemahin."

Ang tanging magagawa ko nalang ay ang sumama sa agos at magpanggap na walang alam. I have no choice.

How can Rio handle this? Matagal na niyang alam. Ang taong matagal na naming kinasasalamuha ay ang taong.. pilit naming hinahanap.

Ang taong kasama naming lumaki..

Ang taong laging nandiyan para sakin, samin..









Si Blaze.








Si Blaze ang nawawalang Frontierre. Ang batang Vizuelle.







At ang nagpadukot sakanya.. ay ang sarili kong ina.



Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon