Chapter 26: Surprise Visit

6.8K 183 3
                                    

Angelo's Point of View

Punyeta. Lintik lang ang walang ganti. Sisiguraduhin kong mamamatay ang Gagong yun.

Agad kong pinaandar ang motor ng kambal ko at pinatakbo ng mabilis.

Kanina, alam kong hahampasin niya ako sa batok para pigilan kaya nang natunugan kong hahampasin niya na ako ay pumikit ako. Masakit ang hampas niya sa batok pero tangina! Yung puso ko mas masakit!nababakla na ata ako pero tangina! Ayaw tumigil ng mga pesteng luha!

"Kast Dane Sandoval. Prepare your lawn."

Vroooooom

Pagkarating ko sa bahay ng gago ay agad kong kinalampag ang gate nila.

"PUTANGINA MONG GAGO KA! LUMABAS KA!"

Sigaw ko at saka sinipa ang gate nila.

"S-Sir, paumanhin po pero gumagawa na po kayo ng gulo." Sita sakin ng guard pero agad ko itong sinuntok deretso sa mukha kaya nawalan ito ng malay.

"Sino po ya---AHHHHH! Manong guard!anong nangyari sayo!" Sigaw ng babaeng naka maid uniform. Katulong ba to o cosplayer? Ang cute---. Tss.

"NASAN ANG PUTANGINANG AMO MO!?" Sigaw ko.

"Aray! Sir naman! Yung tenga ko! Bat ba kayo nang gugulat!" Sigaw niya.

Abat!

"HOY!BAKIT MO AKO SINISIGAWAN HA----"

"EH BAKIT RIN PO BA KAYO SUMISIGAW!?" Sigaw niya pabalik.

"abat!H-HOY! KATULONG KA LANG PERO K-KUNG MAKASIGAW KA!" Dinuro ko pa siya.

"PAKIALAM MO!? ATSAKA WAG MO NGA AKONG DUROIN!"

"HINDI KITA DINUDURO!" Sigaw ko.

"ANONG HINDI!Ansabi mo panga, abat!ho-hoy! Katulong ka lang pero ku-kung makasigaw ka..." Saka siya nagbelat pagkatapos niya akong gayahin.

Nakakabwisit itong babeng munchitang to.

Pero teka, wag siya ang problimahin ko!nasan na yung ugok na amo niya!

Beep Beep

Nang naaninag ko kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan na bumusina at magpapark sana sa garahe ng bahay nila ay kinalampag ko ang windshield ng sasakyan niya.

"Pare anong proble--"

"Anong karapatan mong ahasin ang girlfriend ko!" Sigaw ko habang sinusuntok siya.

"Tangina pare tumigil ka! Ano bang sinasabi mo!" Singhal niya sakin habang iniiwasan ang mga suntok ko.

"Ikaw! Bakit niyo ginawa yun! Bakit mo inagaw sakin ang girlfriend ko! BAKIT KAYO NAGSEX AT SA MISMONG UNIVER--"

Napaupo ako sa lakas ng pagkakasuntok niya.

"Eh GAGO KA PALA EH! KARARATING KO LANG NANGGALING SA ISANG BUSINESS TRIP TAPOS PAGBIBINTANGAN MO AKO!ATSAKA, SEX? SA GIRLFRIEND MO?!EH HINDI KO NGA KILALA ANG GIRLFRIEND MO! GAGO!" Sigaw niya sakin.

"Sinungaling!kung hindi ikaw eh sino!?" Sigaw ko pero nagulat kami pareho ng may nagdrift na itim na ducati.

"Surprise." Nakangiting sambit niya.

Kambal ni Kast ang dumating.

"Kurt Dane Sandoval nga pala, nice to see you EXBOYFRIEND. Ako nga pala ang gwapong ipinalit niya sayo." nakangising sabi niya.

Damn you!

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon