Chapter 29: Shance

7.9K 138 6
                                    

Demonise's P.O.V.

Napabangon ako bigla mula sa pagkakatulog.

Isang panaginip.

Hingal na hingal akong bumaba sa kitchen para makakuha ng isang baso ng tubig.

Shance, totoo ba?

"Lalim ng iniisip mo hija." tanong ni Manang rika, isang maid.

"Wala po to " sabi ko at umakyat na para Magbihis ng ibang damit dahil lalabas ako para magjogging.

Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako ng mansyon at saka nagsimulang magjogging.

Pinatugtog ko yung Sparks Fly ni Taylor Swift.

Pero hindi ko ikinabit yung isa para marinig ko ang nasa paligid ko.

Mas binilisan ko na ang takbo ko dahil medyo malayo ang tatahakin ko ng mapadaan ako sa isang lumang gusali.

May nakapaskil na lumang road sign sa harap nito pero may nakalagay sa road sign.

Lupa sa lupa, buhay sa buhay, ang lupa ay buhay at ang buhay ay lupa.

Ibig sabihin.....

Teritoryo ko ito at bawal ka dito

Pero sa pagkakaalam ko, amin ang subdibisyon na ito. Kami rin ang naninirahan sa pinakamalaking mansyon dito.

At ang gusaling ito, kakaiba ito.

Pinatay ko muna ang tugtog at ibinulsa ang headset ko.

Kinuha ko ang ipod ko at trinace ang lugar neto. Ginamit ko ang audible compass app at tinignan ko kung nasaang parte na ako at nasa west wing na ako ng subdibisyon.

West wing..

Shit! Ang cursed side ng subdibisyon! Damn!

Bang!

Agad akong napayuko at napatakbo sa likod ng isang puno.

Sinilip ko ang kalaban. May dala itong baril sa kanang kamay niya.

Tangina! Gusto ko lang magjogging pero sakit sa katawan naman nakuha ko.

"Sino ka?"

Tanong ng isang boses matanda.

Kinuha ko ang dagger na nakaipit sa likod ng shorts ko. Buti dala ko to.

"Demonise, ako si Demonise." sabi ko paglabas ko.

Nakahawak ako sa likod ng shorts ko pero parang nakapameywang lang ako.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwedeng pumunta dito." tanong niya na parang nagbabanta.

"Magjojogging lang sana ako pero napadpad ako dito. Dederetsuhin na po kita. Anong meron sa lugar na ito?" Tanong ko.

"Wala. Umalis ka na dalaga kung ayaw mong masira ang buhay mo, magpasalamat ka at ako ang nakakita sayo at hindi ang mga walang awang gwardiya nito kundi wala na ang buhay at pinakaiingatan mo."

Putangina! So, sila ang may kagagawan ng pagkawala at biglang pagkamatay ng ilan sa mga tumitira dito dahil sa pangrerape?

"Umalis ka na!" Biglang sigaw niya na nakatingin sa isang direksyon at nakita ko ang apat na papalapit na mga lalaking may malalaking katawan.

Mukhang isa itong babala.

Mabait siya kumpara sa apat na iyon pero mukhang mas nakakatakot siya sa porma niya. Mukhang proprotektahan niya ako.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon