3:1

3.4K 65 3
                                    

Third Person's Point Of View

Isang babae ang nakatayo malapit sa isang malaking bintana. Nakasuot ito ng magarbo at mahabang pulang damit. Nakangiti ito pero walang makikitang emosyon sa mga mata nito. Malawak at kulay abo ang kwartong kinaroroonan nila. Sa mismong kwarto, nakaratay ang isang batang lalaki. Napakaraming tubo ang nakakabit sa buong katawan nito.

Napabuntong hininga ito.

"I wonder, will history repeat itself?"

Pinasadhan nito ng tingin ang bata.

Ang batang ito, magiging katulad ba siya ng mga tumayong ama at ina niya? O siya na ang magwawakas at tutuldok sa maruming dugong lumalatay sa kanyang mga ugat?

Dalawang mahinang katok ang narinig niya. Inayos nito ang pustura nito bago pinindot ang isang button sa kanyang hawak na maliit na remote.

Mataas ang seguridad sa buong lugar. Isang lugar kung saan makikita ang napakaraming batang may sarisariling espesyal na kakayahan.

Pumasok ang isang lalaking nakasuot ng lab gown.

"Rea, I will tell you honestly. Hindi tumatalab sa katawan ng bata ang kahit na anong itinuturok sakanya. His body is not responding."

Kumunot ang noo ng babae kanyang tinawag na Rea.

"Anong ibig mong sabihin? Paanong hindi tumatalab? Ako at ang kapatid ko mismo ang gumawa ng X3! Hindi maaaring pumalpak ang experiment!"

Pulang-pula ito at nanginginig sa galit. Siya ang nakakatandang kapatid ni Green. Si Grace. Isang scientist.

Isang siyentistang nagnanais gawing experiment ang mga batang may matataas na I.Q. level upang sa kinalaunan ay makatuklas ng paraan para itransfer ang talino ng isang tao sa isa pang tao.

Napayuko na lamang ang lalaki at walang imik na lumabas. Kasabay nito ang pagpasok ng isang babaeng naka-labgown na may hawak na telepono.

"Rea, may gustong kumausap sayo." Iniabot nito ang telepono kay Rea.

Kunot noong inabot ito ni Rea at nagsalita. "Who's this?"

"You can't use him sister."

Nanginig ang buong kalamnan ng babae at napasigaw.

"How dare you to ruin my plans! You're such a noob! Stupid! He's the key to my success! To our success! Stupida!"

Naglabasan na ang mga ugat sa leeg nito at bakas ang galit sa kanyang pulang-pula ang mukha habang mahigpit na nakahawak sa telepono.

"You can't call it real success if you're using somebody else Reanon."

Kalmadong sumbat ni Green. Nasa isang bakasyunang isla ito dahil nang nagkakutob itong may kinalaman ang kanyang kapatid sa mga nangyayari ay minabuti na niyang magpakalayo-layo muna dahil alam niyang hindi niya maiiwasang saktan ang kanyang kapatid kapag nagkalabanan na.

Hindi natinag si Rea. Tumawa ito ng malakas.

"Don't act like a saint dear sister."

Sarkastiko nitong sumbat. "You're not a saint and will never be!"

"I know I'm not a saint but I'm not a demon like you either."

Napawi ang ngisi sa labi ng babae. Naalala nito na kahit kailan ay hindi na niya nacontrol ang kanyang kapatid. Ito lang ang bagay na hindi nito magawa, ang kontrolin ang kanyang nagiisang kapatid at pasunurin sa kanyang mga plano.

"Hindi ka parin nagbabago! Wala ka paring kwenta! Walang utang na loob! Kung hindi dahil sakin hindi ka humihinga ngayon!"

Panunumbat nito sa kapatid niya.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon