2:20

3.7K 117 11
                                    

Demonise's Point of View

Nanatiling tikom ang mga bibig namin habang dinadala nila kami sa kung saan habang nakatali ang mga kamay namin. Nauuna ako tapos nasa likuran ko naman si Crade at nahuhuli sila Angelo. May kanya-kanya kaming bantay. Naglalakad na kami papunta sa kung saan man kami dadalhin ng mga armadong lalaki. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung ano ang nangyayari. May idea na ako sa kung anong nangyayari pero hindi kayang tanggapin ng puso at utak ko.

Kaya naman naming makawala, ang problema lang, armado at masyadong matataas na kalibreng baril ang hawak nila kumpara sa mga dala namin. Wala ang lakas namin sa kanila.

Magmamasid muna kami bago gumawa ng hakbang. Alam kong nag-iisip narin ang dalawa kung paano kami makakatakas.

"Higpitan niyo ang kapit sa mga yan. Mukhang mga may alam." Rinig kong utos ng pinakaleader nila. May alam sa ano? May hindi pa ba kami alam sa lugar na ito?

Kinatok ng pinakaleader ang pintuan na mukhang luma parin gaya ng dati. Pero ang pinagkaiba, wala na ang perlas nitong palamuti. Isa-isang nagsipasukan ang lahat kasama narin kami.

"May nakapasok nanaman ba?" Rinig kong mula sa bumukas ng pintuan. Tunner? Ano bang nangyayari?

Halos magtagpo ang kanyang mga kilay at naroon parin ang walang emosyon niyang mga mata. Nang napadapo ang tingin niya sa gawi namin nagmistula itong isang ina na nahanap ang kanyang nawawalang anak.

"Teka, tumabi nga kayo! Tabi! Tabi!" Hinawi-hawi nito ang mga armadong lalaki. Tinulak-tulak na parang hindi nakaarmas.

"Shit! Demonise?!" Gulat na gulat niyang tanong. Binalingan niyang muli ang mga armadong kalalakihan. "Ano pang tinutunganga niyo? Pakawalan niyo sila mga tanga! Bakit hindi niyo tinanong kung sino sila?! Kabilin-bilinan kong kilalanin niyo muna! Mga tanga!" Sigaw ni Tunner. What the fuvk? I haven't seen her like this. Nakakagulat ang ganitong kaganapan. Mukhang napagkamalan kaming mga estrangherong may masamang balak. Ang hindi ko maintindihan, bakit ganito katindi ang bantay ngayon?

Pinakawalan kami ng mga armadong lalaki. Napakarami nila. Mga nasa humigit kumulang 40 sila kung di ako nagkakamali. Ano bang nangyayari at mukhang napakahigpit ata nila?

Tinabihan naman ako ni Crade at sa mukha naman ni Angelo mukha nang papatay. Kilala ko si Angelo, ayaw na ayaw nitong napupunta siya sa isang sitwasyon na siya ang talo o dehado siya. Lalong lalo nang ayaw niyang nahahawakan ng iba.

"Pasensya na talaga. Binilinan ko naman--"

"Demdem?" Isang maliit na boses ng lalaki ang lumitaw mula sa isang pintuan.

Si Blaze.

Agad itong yumakap sakin. I wish we could stay like this forever. Ang sarap sa pakiramdam. I miss my boy.

"Nakalimutan mo na ako, kiddo." Bwelta ni Crade at ini-pat ang ulo ni Blaze bago yumakap.

Nagyakapan muna kaming tatlo. Miss na miss ko na tong batang to a. Humaba na ng konti ang buhok niya at tumangkad rin siya. Hindi ko alam pero nagiging kamukha narin niya si Crade ng konti. Siguro tama yung sinasabi nilang kahit hindi mo kadugo kung sayo lumaki magiging magkamukha parin kayo.

Napatingin ako sa gawi ni Angelo ng maalala ko ito. Oo nga pala. Kumalas muna ako sa yakap.

"Blaze, I want you to meet your Uncle, Angelo. He's my twin brother. Call him uncle Angelo." Pakilala ko.

Nginitian ito ni Angelo habang nanatiling hindi kumikibo ang bata. Nagkatinginan kami ni Crade. Bakit kaya?

"What's wrong kiddo?" Tanong ni Crade kay Blaze.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon