2:15

5.5K 136 2
                                    

Demonise's Point of View

"Pwede ba?! Lumayo ka nga sakin!"

"Bakit ako lalayo? Pwesto ko dito! Ako nauna! First come first serve!"

"Walang first come first come! Dito ako dahil may ipapakita pa ako kay Ma'am!"

"Sinong Ma'am?"

Napatampal nalang kami ng noo ni Crade sa kanina pang nagbabangayan na Asul at Grace. Maaamaze na sana ako dahil mukhang minsan lang sumigaw si Grace  pero napakaingay na nila.

"Tell me Crade, kapag ba pinatay ko yang dalawang iyan may makaka-alam ba?" Bagot kong tanong kay Crade na nagtitimpla ng tea.

"Go on, need any help?" Tanong niya. "No. But I have no time. What if I will just use beladonna poison? Mukha namang ordinaryong teabag lang yun at kapag hinalo mukha paring ordinaryong tea. Walang kaeffort effort. Magiging inosente pa tayo." Suggest ko.

Patuloy ito sa paghigop. Kumuha ako ng mansanas sa mesa at kinagatan ito.

"Wow! I can't believe nagplaplano kayong patayin kami na parang nagsosolve ng 1+1,  mga tao pa ba kayo?" Singhal ng umupong si Grace.

"And I can't believe you're talking to me like that." Pinaningkitan ko ito ng mata. "Hehe.. sorry Ma'am." Sagot nito.

Inikot ko ang mata ko nang diko makita si Asul. "O, nasan na yung asawa mo?" Tanong ko. Agad naman itong bumusangot.

"Hah! That will never happen! Over my dead gorgeous body! Walang wala siya kay Sherlock Holmes! Ako kaya si Irene Adler at ang tanging papakasalan ko lang ay ang taong may katangian ni Sherlock Holmes!" Singhal nito.

Napaismid kami ni Crade. "Don't be too deffensive brat, you can just say No if your answer is no." Sagot ko at inabot yung bread knife sa harap ni Crade.

"O, edi No! No! No! No! A hundred no! Never---" napasigaw ito nang inihagis ko sa direksyon niya yung breadknife. Nanlalaki ang matang bumaling ito sakin. "May balak ka bang patayin ako Ma'am?!" Sigaw niya. "Omygosh I can't believe-----" napaestatwa siya ng nagsalita si Crade.

"Shut up noisy kid." Napasimangot ako ng ginamit ni Crade ang boses na yun. Yung napapasunod ka nalang. Tsk!

"E DITO YUNG SINASABING LOCATION E!"

Napalingon kami sa may bintana ng makarinig kami ng sigaw mula sa labas. Sumeryoso naman si Crade. Binalingan ko ng tingin si Grace. "Fetch them kung ayaw mong makakita ng dalawang taong matatadtad ng mga shurikens sa katawan." Dali-daling umalis si Grace. Mabilis pa namang mainis si Asul pag sinisigawan siya, pwers nalang kung gusto ka niyang kasigawan. Kaya nga nakakapagtaka na natitiis niya yung babaeng yun e.

Dumating si Caleb at Jethro. Mabuti naman at hindi sila tumakas.

"Crade, are you alright?" Tanong ko.

"Yeah, I know this will happen kaya uminom na ako ng tea para kumalma. Besides, I need to talk to him about my mom. I need to know everything." Tinanguan ko ito.

Mukhang hindi lang ang planong mapasama ang dalawang batang iyon sa New Generation of Reapers ang matatalakay namin ngayon. Pati ang isaue tungkol sa pamilya.

I still can't believe my mother in law is the 'another woman' of Mr. Alonzo. Matagal nang hindi nakikita ni Crade ang mom niya and ako naman unang beses ko itong nakita nung kasal namin.

He seems very uneasy right now. Binabagabag talaga siya ng bagay na iyon.

Naudlot ang pag-iisip ko nang nakita kong nakaupo na sa sala ang mga bisita namin. Tinanguan ko si Crade at sumunod naman ito sakin papunta sa may sala.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon