1:7

10.2K 271 4
                                    

Demonise's Point Of View

Pagkatapos ng mga kung ano-anong nangyari kanina pumunta na kami sa sasakyan namin. Iisa lang kasi ginamit namin na sasakyan, yung kay Kast.

Customized SUV ata to na nirepaint ng Black with a touch of White. Ang ingay nga nila e. Kahit yung dalawang tahimik nagsasalita at nakikipagtawanan sa iba pa. They look so happy and carefree.

"Talagang walang makakatalo sa points ko sa TimeZone!" Miko bragged. I wonder kung ilan ang points niya to actually brag such thing.

"Ako!" Leigh proclaimed. He's the Arcade Boy according to them so maybe that's why he have guts to complain.

"Oo nga! Teka dude, ilan na ba points mo ha? Arcade Boy?" Tanong ni Miko na pinaningkitan pa ng mata si Leigh.

"24000! O? Ako na pinakamarami!" Leigh

I thought my body had temporary Technical Error upon hearing his points. Masyadong mahangin. Typhoon signal Number 5. Complete disastrous.

"Ha? Teka bakit andami naman! O sige! Ganito nalang, ang may pinakamaliit na points ay .. Manlilibre!" Inanunsyo ni Miko. Ako naman nakikinig lang sa kanila. Ayoko namang makisawsaw. Baka sabihing feeling close ako. Kahit na sabihin na nating medyo napalapit na nga ako sa kanila. At dahil kampante akong hindi ako matatalo, sasali ako. O diba? Confidence and Positivity is a virtue.

"Deal!" We chorused.

"Teka.. Ikaw rin Demonise?" Kast. Siya ang 'driver' namin. He even insisted to be called 'The most handsome driver'. Remind me na maghanda sa nalalapit na delubyo ng magkaibigang mahangin.

"Yes, of course."

"Walang sisihan ah?" Justin at tumango naman ako.

"Simulan na natin!" Leigh

"Seventeen thousand?" Kast

"Me too." Justin

"Twenty Thousand." Briann

"Sixteen Thousand." Miko

Siya pa may gana maglaro ng paramihan. Siya naman pala pinakamaliit. Maybe because he's under estimating me because I'm a girl. Talking about gender equality?

"Thirty Thousand.." I was about to say Thirty Seven Thousand but I refused to.

Tumingin sila sakin na parang nakakita ng multo. They're not moving. Itinigil din ni Kast ang sasakyan. Obviously, nagulat sila or they just don't believe me. I turned to Miko. Siya ang talo.

"Paano ba yan Miko, ikaw ang manlilibre." Ngiting-ngiti kong pahayag.

Mukha namang pinagbagsakan ng langit at lupa si Miko. Poor Miko. Aw.

"end of the world na," mangiyak-iyak na pahayag niya. Napapala ng mga mahahangin. Natatawa na tuloy ako.

Nagtawanan silang apat kaya napatawa narin ako at pati si Miko. Nang biglang..

Bang Bang Bang

Gumewang ang sinasakyan namin. At kanya-kanyang mura ang mga kasama ko. Nanatili naman akong nakadukmo. Kinapa ko ang nakatagong baril sa may palda ko. Gagamitin ko kung sakaling magkasamaan. Pero tatantyahin ko pa ang sitwasyon. Hindi ako dapat magpadalos-dalos lalo na at nagpapanggap akong normal na teenager lang, sa ngayon.

Bang Bang Bang Bang

"Everyone duck!" Alerto ni Briann. Sumisilip siya sa likuran at nakahawak siya sa revolver niya ng mahigpit.

"si Demonise!" Sigaw ni Kast. Agad naman akong dinaluhan ng iba. For Pete's sake hindi ako mahina tulad ng inaakala nila. Sisinghalan ko na sana sila na huwag akong pansinin dahil kaya ko ang sarili ko pero naalala kong nagpapanggap pala ako kaya hinayaan ko nalang. Atleast I know they want to protect me.

Bang Bang Bang Bang

"Black Cards! Black Cards Maf-- Argh!" Napasigaw ito nang tamaan ito.

May tama siya sa balikat.

Ang ipinatataka ko, bakit naman sila i-aambush ng Mafia? May pinadala bang mission sa mga Reapers na iexterminate sila?

Pero kung ie-exterminate sila, dapat gumamit na sila ng bomba. Posibleng timatakot lang nila ang mga ito. Pero bakit? May atraso sila sa Mafia? This must be a warning.

Ang mga gangsters na ito, may mga maskara pa ba sila maliban sa pagiging mga gangsters? Pero kung dahil sa pagiging gangsters nila, posible din. Kailangan kong malaman ang tungkol dito.

I'll pay Erubus a visit.

-----------------------

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon