2:2

5.9K 146 4
                                    

(after 3 years)

Demonise's P.O.V.

Niyakap ako ni Blaze at hinalikan sa pisnge.

"ang sweet talaga ng baby ko," sabay kiss rin sakanya.

Isinandal naman niya nag ulo niya sa dibdib ko.

Akalain mong tatlong taon narin pala ang nakalipas simula ng iligtas namin siya ni Crade sa natutupok na gusali.

Tatlong taon narin pala akong kasal kay Crade. Bagay na hindi ko pinagsisisihan.

Naging mabuting ama si Crade na akala mo nanggaling talaga sa kanya ang bata, tinuturuan niya rin ito ng ibat-ibang klase ng self defense actually, kaming tatlo dahil parang ito narin yung nagiging bonding time namin. Nagulat nga kami one time na binato ni Blaze yung dartboard ni Crade at bullseye pa. Sabay pa nga kaming nagkatinginan ni Crade nun dahil parang naging achievement namin yun as parents niya. Everything is so Perfect.

Tanggap narin ni Crade ang buong pagkatao ko, as Demonise, Fractal, Phantom at Vlamour. I told him everything about me. And he told me everything about him too.

Pinanindigan niya ang pagiging asawa niya. Feel na Feel nga niya eh.

Si Asul naman tuwang-tuwa dahil hindi naraw siya mahihirapan sa pag-alaga sakin at ipinamimigay niya na raw ako. Ulol talaga yun. (recap Chapter 1 yung lalaking kausap niya noon)

"hey," napatingin ako kay Crade na kadarating lang. Nakangiti.

"hey," bati ko rin sabay ngiti.

"buhatin ko na si Blaze, may pag-uusapan lang tayo Babe." sabi niya. Tumango nalang ako bilang sagot.

pagbalik niya umupo siya sa tabi ko sabay akbay sakin. Hinayaan ko nalang, ganyan talaga yan. -_-

"so anong pag-uusapan natin?" tanong ko.

hinapit niya ako at pinasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Bumuntong hininga siya bago tumingin sakin.

"We need to go to the Philippines this evening,"

nagkaroon ng mahabang katahimikan bago siya nagsalita ulit.

"Because I need to settle things in the Philippines. Yung isang company ni Dad ay nabakantehan ng C.E.O. dahil kasalukuyan pa niyang hinahandle yung isang Company namin sa Russia and he asked me kung pwedeng ako nalang muna ang humawak dun and wala naman akong choice because only child ako." napatingin ako sakanya.

Habang nagsasalita siya nilalaro niya yung buhok ko. Hindi mo talaga mababakasan ng pagiging Gangster to kapag nandito sa bahay.

"sige, WE'LL go." sabi ko kaya napatingin siya.

"you sure?" tanong niya.

"yeah, alangan namang hahayaaan naming mag-isa ang daddy namin?" nakangiting sagot ko.

ngumiti siya at hinalikan ako sa noo sabay whisper ng "Thank you."


Sinong mag-aakalang darating siya sa buhay ko? na posibleng maging pansamantalang tahimik ang napakagulong buhay ko? pero alam ko pagbalik namin sa pilipinas babalik na naman ang lahat sa dati.

posible ring magbalik ang dalawang pagkataong ibinaon ko na sa hukay tatlong taon na ang nakakalipas.

si 4th Panthom na nagpapakita lang sa tuwing alam niyang mapapasabak ang dalawa niyang kasama...

si Vlamour na reyna at kinatatakutan sa mundo ng mga Assassins na nawala ng parang bula...

si Fractal... ang katauhang naglapit saamin ni Crade na pinuno ng Blood Stains.

si Fractal na mabilis na nagkaroon ng pagkakataong makatapak at maging isa sa council ng Italy Assoc.

si Fractal na itinuturing na isa sa pinakamabagsik na Accomplisher ng Italian Philo Assoc.

si Fractal na nawala ring parang bula 2 years ago...

lahat ng mga katauhan ko na lihim kong itinatago sa tunay kong pagkatao.

mga lihim na katauhang alam ko babalik at babalik sa takda ng panahon.



















Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon