8 years ago
"Grace, sigurado ka ba talagang gagamitin mo ang sarili mong anak?"
Liah Cortel, isang scientist na naging bestfriend ni Grace Reanon. Ito ang pumapangalawang head ng asylum at ang isa sa tatlong natatanging siyentistang nakakalam ng formula ng X3 maliban sa kapatid ni Grace na si Green.
"Liah, my daughter has the same IQ level as that child. Rhiannon can do it. She can do it, I'm sure of it. She's the last piece we have in our pocket. We will feed her and take good care of her until the intubating process of the X3 is done and then--"
Sandaling napahinto si Grace. Ang unang plano ay dukutin ang batang Frontierre dahil ito ang unang good candidate para gawing primary identity ang kaso nakialam ang kanyang nakababatang kapatid na si Green.
Maraming pwedeng maging good candidate para sa experiment pero hindi lang ang level ng IQ ang kakailanganing maging mataas, pati na ang kapangyarihan para sa seguridad ng project. Ang perfect candidate ay ang batang Frontierre. Ang pangalawa, ay ang anak niyang babae.
Ilang taon na ang nakakalipas nang magtagumpay sila ni Green sa pagtapos sa formula ng X3. Ang pangunahing layunin ng X3 ay ang paglipat ng talino o memorya ng primary identity sa pangalawang identity. Ngunit nang malaman ni Green ang plano nang kapatid ay agad itong bumuo ng panibagong formula para pigilan ang plano ng kapatid ngunit ang tanging naging depict ng bagong formula ay kakailanganing burahin ang lahat ng memorya ng taong gagamit ng formula bago paman mabigyan ng X3.
Pinadukot ni Grace ang batang Frontierre habang nasa cursed side of the village ito. Nagtagumpay ito sa pagdukot at itinago ssa asylum para simulan at kumpletuhin ang lahat ng phase ng X3 ngunit sa panghuling phase ay nadiskubre ni Liah at ng asawa nitong si Rayson Cortel na hindi tatalab ang X3 sa bata dahil magkakaproblema sa last phase dahil sa kagagawan ng bagong formula ng X3 na ginawa ni Green.
"You are fully aware that everything will change after that Grace. After the intubation will be the--"
"--the stimulation of braincells, blocking the norepinephrine, the reconsolidation process. Of course I know!"
Nagsimula nang lumakad ng pabalik-balik si Grace sa loob ng silid. Kinakabahan parin ito. Anak niya parin ang pinag-uusapan. Kahit gaano kahalang ang bituka nito ay kakaiba parin kapag anak na niya ang pinag-uusapan. Siya nalang ang natira sa kanya.
"Then why don't you say it? Say it Grace! It is the process of removing her memory! You will remove your child's memory! How can you handle seeing your daughter being experimented before your eyes and by her own mother?!" Napapikit si Grace. Alam niya. Ngunit hindi niya hahayaang mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan niya. Kapag hindi natuloy ang process ay mawawalan ng saysay lahat ng sakripisyo niya. Kapag nagkaproblema, siya mismo ang magrerevive sa anak niya.
Natigilan siya ng ilang segundo. Huminga siya ng malalim bago pinunasan ang isang butil ng luhang pumatak sa kanyang kanang pisngi.
"Do it. I will be the one who will save her if something happens. You saw how the other child responded to all the phase, walang nangyaring masama, there are no complications, the last part will be fine if her body will respond well to the neurotransmitters. We can.. we can rewrite everything, like updating a harddrive, it will just be like we clean off harddrive inside her brain and then put new ones. My daughter will soon understand me, she will forgive me. After everything, I will give her new ones, new memories that she can live with."
"That's not the only problem here Grace. We don't have any problem regarding the X3 after the process of reconsolidation but after the process, what are you planning to do after the process? Let's just say that the experiment is successful. But what about the aftermath?"
BINABASA MO ANG
Angel Outside but Demon Inside
AcciónAOBDI-1st Half It all started when the second generation heiress of multiple companies Demonise Vizuelle received a call from her mother with a task to manage their school, Vizuelle University. Being not just only a successful heiress, gangster and...