2:4

5.8K 147 2
                                    

Demonise's Point of View

Agad kong inend ang call.

"sino?" tanong niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko o hindi kaya hindi ko nalang sinagot.

"sila ba?" tanong niya na ikinabigla ko.

Natigilan ako pero sinabi ko rin naman.

"yes." sagot ko at dinampot yung telepono at nagdial.

"Nabura ko na bago mo pa sabihin." bungad ni Asul.

"good." sabi ko at inend na.

I'm talking about all the camera footage in the airport na nakahagilap samin at pati narin sa labas ng Airport at pati narin itong hotel na tinutuluyan namin.

"anong balak mo ngayon?" tanong niya.

"let's just wait for their next move. Hindi pa nila pwedeng malaman na nandito ako sa ngayon. And you also need to be careful dahil baka masundan ka nila o tayo. Sa ngayon kailangan muna nating magmasid sa susunod nilang gagawin."

"sige. Nandito naba lahat ng gamit natin? Nasa baba na ang mga sundo natin." he said.

Tumango nalang ako at saka hinawakan ang kamay ni Blaze. Kailangan maging ligtas siya kahit na anong mangyari.

Dahil pag siya nagalusan hindi ko na pipigilang gumanti si Crade. Animal yang gagong yan pag nagagalit.

One time nung nasa Italy kami habang nasa-Arcade sila ni Blaze may mga rebeldeng gangster na sumalakay at isa si Blaze sa hostage nila at nasugatan si Blaze kaya pinagbabaril niya lahat ng mga kasama ng lalaki at iniwan yung nakasugat kay Blaze at pinatorture sa mismong Main Arena ng Italy hanggang sa naging lasug-lasog ang katawan ng lalaki.

Nalaman ko rin na ipinahanap niya ang main quarters ng mga rebelde at pinasabog gamit ang higit kumulang isang daang granadang itinanim sa iba't ibang lugar.

Nagalit ng husto dahil sabi niya hindi nga daw niya masaktan ang bata sila sasaktan lang ng ganun-ganon.

Sabi ko naman, paano na kapag masangkot ang bata sa giyera ano pa ang kaya niyang gawin eh sa simpleng sugat nagwala na siya. Ang sagot niya, lahat ng tatay gagawin lahat para maprotektahan ang pamilya niya.

"Let's go." aniya sabay buhat sa mga gamit. Ngumiti nalang ako pati si Blaze.

*Fronteire's Mansion*

Pagdating namin sa mansion niyakap agad ni Blaze ang lolo niya. They know about Blaze at kahit hindi nila kadugo ay mahal na mahal parin nila. Spoiled nga yan sa kanila eh. Only apo kasi at lalaki pa kaya masaya talaga sila. Susunod daw na heir.

Ano kaya magiging reaction ni Mom este Tita pag nakita niya si Blaze? Si Angelo? Gustong-gusto pa naman nun magkaroon ng pamangkin.

Kilala parin ba nila ako? Naaalala parin ba nila ako?

Medyo nagmature kasi itsura ko tas tumangkad rin ako. Pinakulayan ko narin ng Brown ang buhok ko. Sabi kasi ni Crade mas bagay ko daw. Ewan ko dun.

"Demy..." napatingin ako kina Blaze ng tawagin niya ako.

"hmm?"

"lolo gave me this," sabay turo sa leeg niya na may kwintas na gold at may initials na B.V.F. (Blaze Vizuelle Frontiere)

"did you say thank you?" I ask.

"yes! He said I'm handsome and he said we're going to buy a baby gun later," he said smiling.

"really? That's awesome."

Kahit na gustong-gusto naming maging normal ang buhay niya at hindi masangkot sa mga transaksiyon ay hindi na niya to matatakasan.

Because the moment he came into our life, ay damay na siya.

"yeah!" he said brightly.

If only I can give him a peaceful life.

***

Pagdating namin sa site hindi magkamayaw si Blaze na turo ng turo sa mga baril na gusto niya.

Pinasama na nga ako ni Crade dahil sabi daw ni Blaze ibibilhan niya din ako. Parang siya yung bibili eh no?

Sabi pa nga niya excited siyang gamitin yung favorite niya. Isang baby gun na maliit pero mabigat. Sabi ko pa nga masyadong mabigat pero ang sabi niya hindi na daw siya bata dahil 'man' na daw siya. Natawa pa nga kami eh.

Nagpaalam naman si Crade at kikitain daw yung mayari ng site.

Pagdating niya.

Para akong binuhusan ng yelo.

Si Crade,







Kasama si Miko.


Yung Miko na parang kabute na sumusulpot sa kung saan-saan.

Tignan mo siya nanaman unang nakakita sakin.

Kabute talaga.

Pareho kaming natigilan.

hindi makapag-salita.

siguro nakaramdam na din si Crade kaya iniwan niya muna kami.

Ang tahimik.

Hindi ako sanay na tahimik siya.

Ngumiti siya na ikinagulat ko.

I guess Miko will always be Miko.

niyakap niya ako.

"bumalik ka..." sambit niya at dun na tumulo ang luha ko.


"Miko..."

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon