Chapter 20: Apayo

7.2K 212 0
                                    

Demonise's Point of View

Maaga akong pumasok. Muli kong pinasadhan ng tingin ang mga litratong nagkalat sa campus. Pinakalat ko ito sa lahat ng sulok ng paaralan. Dalawang larawan ang nakapaloob sa papel. Isa sa pinakalat na picture na inedit nila--pero nabilugan at nazoom ang parte na makikita ang kamay at kuko ng babaeng nakayakap sa isang matandang lalake na nakahubad. At isang larawan na nakapose si Espasol na ipinapakita ang kuko niya at nabilugan din ito. Sinigurado kong meron ang larawang ito sa lahat ng parte ng school.

Sabi sa inyo eh, lintik lang ang walang ganti.

Pumwesto ako sa may computer room kung saan makikita mo ang lahat ng pangyayari dahil sa CCTV sa buong paaralan.

Kung sinuswerte nga naman, magkasunod na pumasok sa paaralan ang Gaya-- G5 at si Espasol. Naauna si Espasol at wala pang isang minuto ay bumalik agad siya at akmang lalabas pero pinasara ko ang gate para siguradong mananamnam niya ang kahihiyan.

Pinagbabato ng mga studyante si Espasol gamit aang papel. Nakakaawa pero dahil ako si DEMONISE, wala akong awa.

Para namang namatayan ang G5 sa nakita at nalaman nila. They can't believe it. Nanginginig na binitawan ni Kast ang papel. Briann kicked the trash can beside them at pinagsusuntok ang pader malapit sa bulletin board. The others can't even move. Lalo na si Miko. He's starring on the papers around them with his expressionless eyes.

Pinili niyo yan.
Pinili niyong maniwala sa iba.
Pinili niyong itaboy ako kesa dinggin ang kwento ko.

Nakakapanghinayang sabihin pero--parang lahat ng pagod, pag-aalala at pagkamiss. LAHAT. Nawala ng isang iglap. Nakakapanghinayang. Nakakasayang. At higit sa lahat.

Napakasakit. Apayo. It hurts.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon