1:8

10.3K 255 1
                                    

Kast's Point Of View

"ARGH!"napasigaw na ako sa sakit, naranasan ko na mabaril dahil Ex gangsters kami dati pero iba ang sakit nito, triple ang sakit ng ordinaryong bala, yun ang Black Cards.

Ang pinakamakapangyarihang Mafia. Pinamumunuan ni Erubus. Ang matandang Halmington. Damn him! Ako ang puntirya nila dahil ang mga magulang ko ay minsang nagtraydor sa Mafia na ito. Ito ang bali-balita. At wala akong pakialam kung totoo yun o hindi. Magmula ng nagdesisyong silang iwan ako sa puder ng lolo ko ay kinalimutan ko nang may pamilya ako.

Tinignan ko si Demonise mula sa salamin, parang wala lang sa kanya. Hindi ko alam kung natatakot ba siya kaya hundi na siya makapagsalita o sadyang kalmado lang siya?

Sino ka ba talaga Demonise?

Ihininto ko ang sasakyang tadtad ng bala.

"Let me." Sabi niya na ikinagulat naming lahat. Marunong siyang gumamot ng nabaril na tao? saan siya natuto at paano? Business Administration ang kinuha niya? Posible kayang mga doctor ang magulang niya?

Gulat parin kaming lahat at nabalik nalang sa realidad ng nagsalita ulit siya.

"tapos na."

Gulat na napatingin ako sa braso ko at may nakatali dito na tela tinignan ko siya. Saan niya kinuha ang tela? Nagtatakang inilibot ko ang tingin sa paligid. At pinagsisisihan kong hinanap ko pa. Damn! Nagmula iyon sa damit niya at kitang kita ang maputi nitong kurbadang tiyan. She got abs. Damn it. I'm sure pulang pula na ako. I've never been like this before.

"N-nakakailang." Nahihiyang sabi ni Demonise kaya napaiwas kami ng tingin. Namumula rin yung mga kasama kong lalaki.

Napagdesisyonan naming bumalik na sa school dahil nandoon ang mga sasakyan nila. Sinulyapan ko siya ng tumunog ang phone nito. Sobrang seryoso niya. May problema kaya?

--

Demonise's Point of View

One message received.

From: Mom

Hello sweety! How's your day? I have another surprise.

May laban ang Marker Gang mamaya, 10:00 pm. Kalaban ang Serpents Gang. They know how to Play Dirty. Go and Check it out.

----------------

If ininform ako ni Mom na marunong silang maglaro ng hindi patas ay siguradong malala at maaring masaktan ng malagay sa panganib ang Markers Gang at hindi ako makakapayag. Kaya manonood ako at tutulong kung kinakailangan.

Ayoko sa lahat, nasasaktan at nalalagay sa panganib ang mga kaibigan ko. Lalo na ang Markers Gang. Sobrang importante nila sakin. Ang Markers Gang ay ang Gang ko, ang naging pamilya ko nung nagrebelde ako pagkatapos namatay ni Dad. I'm a Daddy's Girl kaya sobrang laki ng impact ng pagkawala niya sakin, samin.

Apat kami sa Grupo pero minsan lang ako nakikipaglaban, ako ang nagtayo ng gang at ako ang leader pero dahil marami akong ginagawa at inaasikaso, si Kyla ang naging leader . Sumunod naman si Sheina then si Mae, ako ang pangapat kaya pinangalanan nila akong 4th Phantom.

Pupunta ako.

Nahalata ko na tumahimik kaya isinantabi ko na muna ang pagkakabagabag ko at ngumiti. Trying to conceal my emotions. I can't fully trust them, no one.

Pagkadating namin sa School ay umuwi na kami kaagad gamit ang sari-sariling sasakyan namin. Hindi narin kami pumasok dahil naexcuse na kami dahil sa pagkabaril kay Kast.

Oo nga pala, bibisitahin ko pa si Erubus bukas. I need to take a rest before dealing with the devil.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon