Chapter 34: Unfolding the Story

6.5K 166 2
                                    

Mang Domeng's Point of View

Ito na siguro ang takdang panahon.


"Domenique! Alam mo bang may nagugustuhan na akong babae?" Masayang tanong ng aking kapatid na si Rolenzo.


"Wala akong pakialam sa mga pinasasabi mo Rolenzo. Mag-ayos ka na at aalis na tayo, may ipapakilala daw sila Ama at Ina satin." Sagot ko naman na ikinagusot ng noo niya.


Kumpara saming dalawa, ako raw ang mas seryoso kahit na siya ang nakakatanda. Isang palangiti at masayahing tao si Rolenzo at ang sinabi niya kanina na may nagugustuhan na siyang babae ay hindi na bago sakin dahil naturingan siyang isang babaero.


Sa araw na iyon, hindi namin aakalain na ipagkakasundo kami sa anak ng mga kapartner sa negosyo ng aming mga magulang na mga prinsesa daw. Hindi kami nakatutol lalo na si Rolenzo dahil ang sinasabi niya palang nagugustuhan niya ay isa sa mga babaeng ipinakilala samin bilang magiging mga asawa namin.

Lumipas ang maraming taon at nagmahalan ang aking kapatid at ang kanyang asawa samantalang ako at ang aking naging asawa na si Leonora ay unang nabiyayaan ng isang anak.

Si Fransisco.


Sunod na nabiyayaan ang aking kapatid ng anak na babae.


Habang lumalaki ang mga bata ay nagiging mag close sila hanggang sa napagpasyahan namin na pamunuan nalang namin ng aking asawa kasama ang anak namin ang bansang pinamumunuan ng magulang ng aking asawa.


Lumipas nanaman ang maraming taon at nalaman kong pinuno pala ng isang organisasyon ang mga magulang namin at pati narin ang magulang nila Leonora. Dahil si Fransisco ang unang lalaking apo ay siya ang mamumuno sa Organisasyon, ang Triumviate de Fiarci Mafia.

Di lumaon at nakapag-asawa narin ang aking anak sa isang Mafia princess ng aming kalaban at nabiyayaan sila ng anak.


Dahil sa maagang namatay ang aking manugang ay tinangkang kunin ng kabilang kampo ang aking apo at isang araw dinala ni Francisco sa Pilipinas ang aking apo at binigay sa kanyang pinsan.

Bumalik rin kaagad si Francisco pero inabangan ang kanyang pag-uwi at nagdeklara ng Mafia War ang kabilang kampo ng di malaman kung nasan ang batang anak ni Fransico at ng kanilang prinsesa. Doon namatay sa gitna ng laban ang aking anak na si Francisco.


Lumaki ng masagana ang batang babae sa piling ng kanyang Tiyahin at ito narin ang kinilala nitong anak.

Akala namin yun ang katotohanan......

Yun pala......


"Mang Domeng ito na po ang results ng DNA" nabalik ako sa realidad ng lumabas ang doktor.


Kanina pa pabalik-balik si Angelo habang nakapalumbaba naman si Demonise.


Tinapik ako ng doktor pagkatapos niyang ibigay ang nakaenvelope na resulta ng DNA test ng mga bata.


Bumuntong hininga ako.

Binuksan ko ang envelope na naglalaman ng resulta at..........

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon