2:8

5.7K 126 9
                                    

Kast's Point Of View

Alas tres palang ng umaga nagising na ako. Ginulo ko ang buhok ko sa pagkabadtrip at pagkainis.

Nagreport yung isang underling namin na may nakapasok sa website ng Arena. Yung website kung saan makakalap ang mga impormasyon na kakailanganin upang makita mo ang mga profile ng mga gangsters dito. At mukhang bihasa na ito dahil napasok narin niya pati ang pinakatatagong parte ng website kaya nababahala kami dahil pag nagkataon na masama ang pakay ng nakapasok ay maaari itong magdulot ng giyera.

At hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko bukas. Parang may mangyayari.

Uminom ako ng tubig at umupo muna sa veranda.

Napatingin ako sa kalangitan. May mangila-ngilang pang mga bituin sa kalangitan dahil madilim pa. 

Dinama ko ang ihip ng hangin.

Kumusta na kaya siya? Ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Para akong isang ibon na nakahawla pero ang hawla ay may napakalaking butas, kayang-kaya kong makawala pero hindi ko ginagawa. Ganon, kahit kayang-kaya ko siyang makalimutan ay hindi ko magawa. Pilit kong isinasantabi ang lahat ng mga bagay na nakakapag-ugnay saamin ngunit tila nakamarka na ito sa akong isipan.

Sa konting oras na nakasama ko siya, nakasama namin siya. Naging mahalaga siya saakin. Hinahanap-hanap ng puso at utak ko ang kanyang pigura sa kanyang upuan na nagbabakasakaling balang araw papasok siya. Ang misteryoso at kakaiba sa lahat ng mga babae.

Unang araw palang ay naagaw na nito ang atensyon ko. Pati na ang mga kaibigan ko. Dahil ito sa kanyang pagiging kakaiba sa lahat. Wala siyang katulad.

Ang kanyang napakamaamong mukha. Ang kanyang napakagandang mukha.

Angel..

Ang kanyang kakaibang pangalan..

Demonise..

Nawaglit ako sa aking iniisip ng tumunog ang telepono ko.

"What time is it and you still have the guys to call me?" Bungad ko sa sino man ang tumawag.

"Pasensya na po Boss, may nagpadala ng mensahe mula sa isang di kilalang profile."

Napakunot ang noo ko sa aking narinig. Napaayos narin ako ng upo mula sa aking kinauupuan.

Di kilalang profile? Paanong nangyari iyon?

"Paanong nangyaraing hindi kilala ang profile? Gumamit ba ito ng dummy?"

"Hindi po ito dummy. Matagal na pero parang binura lahat ng profile Boss."

"Binura? Ibigay mo saakin ang full report bukas ng maaga. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para alamin ang profile ng taon iyan. Nasisiguro kong hindi basta-basta ang taong iyan."

Hindi naman pagtutuunan ng isang low profile ang kanyang profile ng ganong kaimportante para burahin ito kung walang mabigat na dahilan kaya mga high profiles lang ang maaaring gumawa niyo. Dahil kakailanganin pang manghire ng skilled hacker para tanggalin ang kabuuan ng isang profile.

"Masusunod Boss."

Pinatay ko na ang tawag pagkatapos.

Napatingin ako sa orasan. Mag-aalas singko narin pala ng umaga.

Naligo na ako at nagbihis bago bumaba at kumain. Nakita kong naghahanda na ang mga katulong ng makakain. Umuwi kasi ako sa bahay namin.

Walang imik akong kumain at nagmadali nang umalis.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon