3:4

2.3K 56 8
                                    

Third Person's Point of View

Monday

Late nagising si Rhiannon at dahil siya si Rhiannon wala nanaman siyang pakialam sa mga mapanuring matang nagsisisunuran sa kanyang mga yapak patungo sa tinatawag nilang 'cursed room' o ang pinagsamang Room 211 at Room 212. Ang malawak na Cursed Room. Ang room ng 11-C. Ang section ng mga pariwara, wala sa katinuan, mga walang patutunguhan sa buhay, mga bulakbol, name it. Pero kapag present ang President nila, nagbabago sila.

Ang akala ng lahat napakagulo, puno ng sulat ang pader, maraming pakalat-kalat na mga papel ang itsura ng loob ng silid na ito. Iisa rin lang ang pinapapasok nilang guro. Nakasarado lahat ng bintana at kapag nakapasok na sa loob ang isang estudyante, hindi na ito pwedeng lumabas hanggang uwian na. Pero ang hindi nila alam, mas malinis pa ito sa room ng 11-A at B. Hindi rin ito mukhang classroom kundi mukhang opisina. May sariling Comfort Room. May dalawang kwarto na puno ng double-decks. May tig-isang Wi-fi lahat ng desks. Sa pinaka unahan, hindi ang mga matatalino. Kundi mga pinakapasaway. Disiplinado lahat ni Rhiannon ang mga ito. Ang rason kung bakit hindi nila binabasta-basta ang mga taga 11-C ay sa kadahilanang matataas ang grade nilang lahat. Sila rin ang bahalang magreview at magtest. Isang araw o dalawang araw lang sa buong week silang dinadalaw ng guro nila dahil sa punong schedule.

"Good morning Pres!" Bati sakanya ng lahat.

"Good morning mga ungas. Di ba ako namiss ni Ma'am Flori?" Sagot ni Rhiannon. Napuno nanaman ng tawanan ang buong kwarto.

Front act lang ang parating pagsigaw ng kanilang guro sa tuwing tumatakas ito. Ang totoo, pinaninindigan lang nila sa mata ng lahat ang imaheng inaakala nila.

"Sino ang maglalaban ngayon?" Tanong niya. Araw-araw may sparring lesson ang mga taga11-C. Ito ay sa kadahilanang kailangan nilang protektahan ang mga sarili nila sa loob ng paaralan, lalo na sa mga mapagmataas na nasa unang section.

"Si Terrence at Jake tapos si Jane at Erika." Sagot ng Class Secretary. Hiro Tan

One Message Received..
Claude

Makikitulog kami.

"Sino nasa room ng girls?"
Tanong ni Rhiannon.

"Medyo marami. Nagbar sila kagabi e." Sagot ni Venice. Ang Muse ng 11-C.

"Buti nalang hindi ka nagbabar babe." Banat ni Kris. Ang Escort ng 11-C.

Noong nalaman ng lahat na may gusto si Venice kay Kris agad silang binoto para sa dalawang position. Ayon nga sa kanila. "Pasaway kami pero may feelings din kami."

"Sa room ng boys?"

"Wala ata. May tournament ng dota boys ngayon e." Sagot ni Hiro. Napatingin ito sa kanan niya na puno nga ang mga desks. Wala namang bawal sa classroom.

"Matutulog sina Claude don sa room ng boys. Pag may naghanap na teacher ipaalala niyong hindi sila pwedeng pumasok."  Utos ni Rhiannon.

Kilala na ng mga taga11-C si Claude at Allen dahil mga kaibigan nga ito ni Rhiannon at sa tuwing tumatakas sila ay nakikitulog sila sa room ng 11-C.

Pumasok muna sa room ng girls si Rhiannon at humiga sa isang bakanteng deck. Napailing nalang siya ng makitang nakapajama pa ang mga kaklase niya. Mukhang pumuslit sila kagabi at dito sila natulog.

Ilang sandali pa ay may kumatok na at pagbukas nito ay pumasok ang dalawang kambal kasama ang apat pa. Biglang tumahimik ang lahat pati ang mga dota boys na naglalaro ay biglang napatigil lahat.

"Claude, dalawa lang kayong pinayagan ni President. Kami malalagot kay President."

"All of you. Meet the Six Fangs." Anunsyo ni Claude. Biglang tumahimik ang lahat.

Naunang maglakad ang pinakamatangkad sa kanila. Walang nagtangkang umimik. Sumunod ang tatlo pa. Dumiretso sila sa Boys room. Sumunod ang Kambal na may hawak na apat na maleta. Pinat muna ni Claude at Allen si Hiro bago tuluyang pumasok.

Pagkapasok ng lahat sa Boys room agad nakahinga ang lahat.

"Grabe. Akala ko mamamatay na ako."

"Sinabi mo pa."

"Shet! Ang gwapo."

"Kinalibutan ako bro."

"Bro shet matatalo na tayo!"

"Omygod! Nasa iisang room tayo kasama ang mga Potential Reapers!"

"Parang aatakihin ako sa puso nung sinabi ni Claude na 'All of you, Meet the Six Fangs' OMG!"

"Tumigil nga kayo at gisingin niyo si President. Boys! Huwag kayong maingay diyan. Mukhang may giyerang magaganap." Anunsiyo ni Hiro. Walang Vice President at si Hiro bilang Secretary na ang tumatayong sumusunod kay Rhiannon.

Agad tumakbo kahit nakaheels pa si Venice sa Room ng girls.

Wala pang ilang minuto agad tumahimik ang lahat ng narinig nila ang pagbukas ng pinto ng girls. Lumabas mula rito si Rhiannon. Dirediretsong pumasok ito sa room ng boys. Agad itinigil ng lahat ang kanilang mga ginagawa. Pati ang mga girls na natutulog sa room ng girls ay nagising bigla. Inaabangan ng lahat ang paglabas ng kahit ni isa sa kanila.

*************************

Rhiannon's Point of View

Ginising ako ni Venice dahil nandito daw ang Six Fangs. Damn him! Akala ko ba soon! Very soon naman ata? Bakit hindi niya sinabing ngayon na ang dating nila? Humanda sakin mamaya yung dalawang kambal. Bakit hindi nila sinabi sakin?!

Pagbukas ko ng pintuan sinalubong ako ng apat na shurikens na nasalo ko at binato sa kambal.

"Whoa!"

"Shit."

Hindi nila naiwasan at ngayon napako sila sa pader. May ipapaayos nanaman ako. Ayos. Tch.

Kinuha ko ang mga ballpen at lapis sa lamesa at ginamit ko bilang dart. Pinatama ko lahat ito sa iisang taong nakangiti ngayon ng matamis at walang kahirap-hirap na iniiwasan ang mga ito. Naiwasan nga niya lahat ng ballpen at lapis pero hindi niya napansin ang paralyzing needle na tumama sakanya kasabay ng mga ballpen.

Alam ko naman na hindi siya tatablan. Ginamit ko lang yon para mawalan siya ng focus kapag marealize niyang may nakaturok sakanyang needle.

Sa sandaling nakita niya ang needle agad kong pinadaplis ang natitirang ballpen sa braso niya.

Narinig ko ang palakpakan ng ibang miyembro. Nakawala narin pala yung kambal.

"Wala ka parin palang kupas Rhia." Troy Hillton. Fourth Fang

"Rhia will always be Rhia." Nior Astrude. Fifth Fang

"Lalaki nanaman ulo niyan." Agad kong binunot ang pinakamalapit na ballpen at binato ko sa kuya ko. Oo. Kuya ko. Tawang-tawa naman itong umiwas.

Rio Alexander Dela Vega. Sixth Fang.

"Hey. I missed you." There he goes. The Monster. The First Fang.

Blaze Revoiré.





Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon