3:13

1.6K 38 3
                                    

Nagsibabaan ang lahat. Hinatid sila ng iisang van at isa-isang naglakad papasok ang lahat.

Balisa parin si Rhiannon. Ang nanay niya ang target niya. Kung tutuusin ay pwede na niyang sabihing tapos na ang misyon niya dahil pwede na niyang ilagay ang kanyang mga nalalaman at sabihing sapat na ang mga iyon ngunit may nagtutulak din sa kanya na alamin pa ang mga bagay na pwedeng sumagot sa mga tanong niya.

Alam niyang napakarami pa niyang hindi alam tungkol sa nanay niya. Sa ngayon ay pag-iisipan pa niya kung paano siya makakakalap ng pwedeng i-ugnay.

Her mother is a walking puzzle.

Nahihirapan siya kung saan pwedeng magsimula. Natatakot siya sa mga pwedeng malaman niya-- at mas natatakot siya kung paano magtapos ang lahat.

Sinabihan ang lahat na titira muna sa iisang apartment malapit sa isang paaralan. Kailangan nilang pumasok sa paaralan bilang mga transfer student galing sa V.U. dahil napag-alaman na marami sa mga target ng iba ay nag-aaral sa paaralan na iyon. At lahat ng mga target nila ay konektado sa Competition kung saan, sila din ang premyo. Ang makasalamuha o maaaring makatunggali ang second generation Potentials na sikat na sa buong Black Market. Ang mundo ng kalakalan ng mga hindi normal na tao, gaya nila.

Flashback

"do you have any question?" Nagkatinginan pa sila kung sinong magsasalita. Iba parin talaga ang takot kapag personal na magkakaharap.

"We were informed that there will be a competition, a survival competition and we are somehow involved.." Si Rhiannon, bilang ang tumatayong pinakaleader ang naglakas loob na magtanong tungkol sa bagay na iyon. Hindi na sana ito mafsasalita pa pero sa tingin niya ay sasabog siya kapag hindi man lang nabawasan ang mga iniisip niya. Sa ganitong oras gusto niyang pumatay ng kahit na sino. Gusto niyang magbuhos ng galit, ng iniisip.

"About that, Yes. Florentine University will be the host of the Survival Competition and Vizuelle University will be the Primary Sponsor. As for the token, the winners will have a chance to duel with you, Second Generation Potentials as part of your training. We and the council, together with the First Generation Potentials agreed to it. Instead of the normal way of training, the game will serve as your training." Paliwanag ni Crade. Nang ito ang sumagot sa tanong, biglang nagkaroon ng mahabang katahimikan.

Nakakatakot nga si Demonise, ngunit ang approach niya ay mas welcoming kumpara sa tinig at tindig ni Crade. Kaya naman hindi maikakaila na siya nga ay isa sa pinakalinatatakutang tao sa mundo. Pati si Drake ay biglang namangha sa ama niya.

He is Silver. The Silver. The King Silver.

Tumikhim muna si Demonise nang mapansin ang pagbigat ng hangin sa loob.

"Some of you had the folders of students from a certain University. Hillside University is one of our greatest ally when it comes to things connected to the Black Market. Open battle area ang Hillside University and they hold a lot of great students. Marami nang incidents ang nareport na konektado sa mga kasapi ng Mafia o Gangs at hindi ito lihim sa iba. All of you will be living in one apartment to help each other on your tasked mission. Ang mga students na yan ay sasali sa Survival Game and I want you to gather necessary informations and gather everything that you will need especially their strengths and weaknesses. The most important thing is, do not be caught. Kapag nalaman nilang nagmamanman kayo, they will immediately see you as their enemy and remember that you are in their territory. Kahit gaano kayo katalino o kalakas, you will be out numbered kapag nangyari yon and we will not do anything to save you. Save yourselves."

Mas dumagdag pa sa bigat ng hangin ang mga katagang binanggit ni Demonise. Mukhang mas mahirap pasukin ang Hillside University kaysa sa dalawang unang University.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon