2:1

7.3K 162 1
                                    

The day it all begins..



"Kailan mo balak bumalik?"

"Just shut up"

"Tandaan mo, oo nangako akong tutulungan kitang magtago, pero oras na tumungtong ka sa oras na kailangang pwersahan pa kitang pabalikin gagawin ko."

"Do what you want."

Umiling ng dalawang beses ang lalaki bago ininom ang kanyang hawak na wiskey at diretsong pumanhik sa loob.

Pagkasara ng pinto namutawi ang isang mahabang katahimikan.

Ang daming nagbago.

Sa isip ng babae.

Siguro kung normal na tao lang ako pwede na akong matulog ng walang iniisip at babangon nalang sa kinaumagahan at uulitin lang yun.

Pero hindi, iba ang buhay namin sa mga maraming tao sa labas. Ibang-iba.

Bumuntong hinga ito bago ininom ang hawak na alak at saka pumanhik sa loob at natulog.

"Tomorrow is the Day."

Bigkas nito bago linamon ng dilim ang kanyang paningin.

(The following day)

Maaga akong nagising para hindi malaman ni Asul ang pagtakas ko.

Binuksan ko ang bintana sa kwarto ko at binilang ang pwede kong tung-tungang mga bintana bago makababa.

Isa,dalawa,tatlo........anim.

Kinuha ko ang whip ko at ginamit na pinang lambitin ko sa sarili ko sa isang kable ng kuryente at ng makatung-tung na ako ay agad kong kinuha ang whip. Kung bababa ako ng ganung paraan natitiyak kong makaka-aksaya ako ng madaming oras. Kaya padapa akong nagpahulong at bago ako makatung-tong sa pangalawang palapag ay kinuha ko ang whip ko at pinatama sa nakita kong pwedeng ipangkawitan at nagtumbling pababa sa unang bintana at tumalon.

Habang naglalakad ako may nakita akong mga nagbubugbugan kaya kumaliwa ako. Ayaw ko muna ng gulo.

"Hoy!san ka pupunta!" May sumigaw pero hindi ako lumingon.

I'm still tired at gusto ko pang matulog kaya yung energy ko isesave ko muna sa ngayon.

*bang*

Ipinilig ko ang katawan ko ng dalawang hakbang para umiwas sa bala at saka pumulot ng bato.

Buong lakas ko itong ibinato sa lalaking pinanggalingan ng bala at bumagsak itong nakahawak sa tiyan niyang binutasan ng bato.

Ang ayaw ko sa lahat, mga pangahas.

Napatingin ako sa malapit na lamp post ng makaaninag ako ng anino.

"Lumabas ka"

"Wow! Magaling! Paano mo ako nakita?" Nakangiting tanong niya.

Maputi, matangkad,medyo payat pero maganda ang hugis ng katawan. Puting buhok, halatang may lahi at may piercings.

Hindi ko siya sinagot bagkus tumalikod na ako at naglakad palayo pero hindi pa ako nakalayo ng mapahinto ako dahil sa sinabi nito.

"Sumali ka samin, Fractal"

"Sino ka?" Ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Ako si Crade. Pinuno ng Blood Stains"

Blood Stains. The most feared Gangster group in Italy.

"Sa isang kondisyon," saka ako humarap sa kanya ng mabigkas ko ang katagang ito.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon