2:11

7.4K 129 1
                                    

Demonise's Point of View

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng magkita kami ulit ng kapatid ko. Wala namang masyadong nangyari pagkatapos ng pagkikita namin. Umuwi na kami ni Crade sa inuuwian naming bahay at napagdesisyunang pag-usapan ang tungkol sa pagpapapasok ko kay Asul sa Website ng Arena. Yun ay para sa mga may potential na maging Intel ng Mafia. Kakailanganin namin ng mga taong kayang manipulahin ang teknolohiya dahil malamang marami sa magiging transaksyon namin ang mangangailangan ng taong marunong manipulahin ang makabagong teknolohiya.

Kinagabihan ay dinalaw namin ang Arena at kinailangan naming magbalat-kayo bilang mga ordinaryong gangsters lang. Nakihalubilo kami sa ibang tao, para maghanap ng potential na maging Reaper ng Mafia o kung hindi kaya, aanib saamin para sa planong magkaroon ng mga kasangga para irepresenta sa Italy.  Ang gusto kasi namin ay personal naming makita at makausap ang mga posibleng may potential.  Sa hindi inaasahan ay nagkaroon ng malaking laban, grupo na nagmula sa U.S. at grupo mula sa Pilipinas. Laban ng grupo ng mga dayo sa teritoryo mismo ng mga uwak. Yan ang bansag ngayon sa mga gangsters sa Pinas. The Crows. Ang Italy naman ay Lion's Den since ito naman ang sentro ng Underworld. Nagpasya na kaming umalis nang sinabi ni Crade na wala siyamg namataan kaya sa tingin ko ay aasa muna kami sa paghahanap sa Website.

Noong nakaraang araw naman ay mula umaga hanggang hapon ay walang nangyari. Pano ba naman, walang pasok dahil dineklarang may bagyo kaya we need to stay sa bahay kahit gaano ko pa gustong lumabas dahil napakalakas ng kulog at kidlat. Nabadtrip tuloy ako at napagdiskitahan si Crade. Yan tuloy, natulog sa sofa.

Kinabukasan noong araw na iyon, humina na ang ulan pero wala paring klase kaya hindi pa namin maaaring maisagawa ang plano. Nagkaroon kasi ng bagong conclusion itong si Asul na kung bakit daw hindi kami magsimula sa paghahanap sa mismong magiging lair nila? Kaya we both agree, kami ni Crade. May sense din pala kausap yun minsan.

Kinabukasan, maaga kaming nagising at talagang sinadya namin na kami palang ang estudyante sa University. Una kaming pumunta sa Faculty Room na may spare key ako or should I say, I have all the original keys. Hello? I'm the owner, I'm still the owner.

Naabutan naming nagkakape pa ang mga nakatokang guard. Mukhang katatapos lang nilang maglibot. Bubulyawan pa sana niya kami nang makilala niya ako kaya hindi na ito nakialam pa at sa halip, nagoffer pa ito na saluhan siyang magkape na tinanggihan na namin dahil nagmamadali kami.

Nang makuha namin lahat ng profile ng mga sa tingin namin ay may potential ay itinago na muna namin sa compartment ng  sasakyan namin. Napagdesisyunan kasi naming sumakay lang sa iisang sasakyan ngayon at hindi muna ang mga motorbikes namin. Although, kating-kati kami ni Crade talunin ang isa't isa.

Sa ngayon ay nasa classroom kami ni Crade para sa First Class namin. Masyado talaga kaming maaga at pwede pa kaming umidlip muna pero sa halip ay kasalukuyan kaming nakatitig sa isang folder. Ito ang unang taong susubukan naming kumbinsihin ngayong araw. Sisiguraduhin naming mapapapayag namin siya either by hook or by crook. As what I've said, I'm into the blood track and this guy in front of me, he will be my shield and my diamond, sounds cheesy but yeah, I know he will protect me and I will make sure that I will return the favor, we'll protect each other until the doom of our lair.

Name: Grace Valdez Montenegro
Age:17
A/L: Villa Torre St.
Studying at Vizuelle University 11-A
-Nerd, Avid fan of Sherlock Holmes, Black Belter in Taekwondo
Hobby:Reading, Hacking
Mother: Gracielda Montenegro
- A known Model in the industry. High paid I.T. and a former teacher on a certain University of Science and Technology
Father:Gustav Montenegro
-Owner and C.E.O of Montenegro Technologies and Entertainments

Hobby niya ang paghack? Sounds interesting to me. Namana niya siguro ito sa mga magulang  niya. Avid fan of Sherlock Holmes? So, hindi na pala kailangang ilapit ang not so normal  world sakanya dahil siya na mismo ang naghahanap nito. Mysteries. And I'm pretty surprised na nanggaling pala siya sa angkan ng mga mayayaman. And... black belter huh?

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon