2:7

5.8K 154 2
                                    

Demonise's Point of View

Maaga kaming dalawang nagising. Ito ang unang araw namin sa aking University.

Pinasadhan ko nang tingin ang kabuuan ng aking sarili sa salamin sa aking harapan.

Walang Uniform ang Vizuelle University kaya malaya ang mga students na gamitin ang kani-kanilang mga gugustuhing damit. Mga nagpapabonggahan at nagpapa-iklihan ng damit.

Nakasuot ako ng sandong itim na pinatungan ko ng leather jacket. Jeans at boots. Mas komportable ako sa ganitong damit.

Pinasadhan ko ng tingin si Crade.

Mukha siyang model. Parehas kami ng get up. Pansin kong hindi masyadong maganda ang timplada ng mukha niya. Alam ko ito kahit walang emosyon ang kanyang mukha. Marahil ay namimiss niya lang si Blaze. Ako rin.

Nagulat siya ng tinulungan ko siyang mag-sintas. Nginitian ko siya. Nakita kong nagliwanag ang mata niya.

"High up Crade. First day is always the most interesting one." Napangisi ako sa sinabi ko. Tulad ko, napangisi din siya.

Tumayo ako at kinuha na ang dalawang susi sa mesa, susi ng dalawang bigbike.

Ibinato ko sakanya yung isa at nginisian ko siya. Alam na niya ang ibig kong sabihin.

Race.

Sabay kaming lumabas at inihanda ang gagamitin naming sasakyan.

Pinasadhan niya ng huling tingin ang bahay kung nakakandado na ba ang lahat. Tumango ito saakin.

Pumwesto ako sa sasakyan ko at ganon din siya.  Pinaandar namin ang aming mga sasakyan at sabay na pinainit.

Sabay kaming nagsuot ng gears namin. Nakita kong ngumisi siya.

"At the count of three..." sigaw ko.

Ingay lang ng sasakyan ang naririnig namin.

"Three!"

Pagkasambit ko ng numero ay tila mga tigreng nakawala sa kanilang hawlang pinaharurot namin ang mga sasakyan namin. Hindi naman alintana saamin ang bahagyang pagrami ng mga nakakasalubong namin. Mabuti at maaga pa at hindi pa masyadong marami ang mga nasasalubong naming mga sasakyan.

Nakarinig kami ng napakaraming mga busina. Mga nagagalit kesyo kung nagpapakamatay daw kami huwag silang idamay. May namakyu pa ngang lalaki kaya napatawa kami ni Crade. Sabay naming pinaharurot ang mga sasakyan namin ng makitang diretso na ang daan at malapit na kami sa University.

Nangunguna siya ng ilang metro dahil binagalan ko. Nakita kong napangisi siya at napabagal ng konti ang takbo niya ng makitang masyadong mabagal ang pag-usad ng sasakyan ko.

Bumilang ako ng limang segundo sa utak ko at saka biglang pinaharurot ang sasakyan ko. Nakita kong ngumisi siya at nakisabay sa takbo ko.

Sabay kaming nagdrift sa parking lot ng V.U. at nakalikha iyon ng malawakang usok. Pagkababa ko ng sasakyan kahit puno parin ng usok ay agad ko nang hinila si Crade. Maraming tao sa parteng iyon ng paaralan kaya minabuti kong kunin ang tyansa na ginawa ng usok para makawala kami sa mga mata ng mga estudyanteng naghihintay mawala ang usok para makita kung sino man ang mga gumawa ng usok.

"Wala paring nananalo HAHAHA!" Natatawang sabi ko sa katabi ko.

Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko bago ako akbayan.

Hindi alintana ang mga matang ipinupukol saamin ng mga nadadaanan namin.

Walang katok-katok kong binuksan ang pintuan ng Opisina ng Head Mistress dahil unang-una sa lahat ay ako parin ang may-ari ng school. Pangalawa, wala lang. Pangatlo, wala lang talaga.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon