3:9

1.2K 28 0
                                    

Rhiannon Dela Vega's Point Of View

Florentine University

"HAHAHA! Ako nga pala si Laino, ang pangatlong Descendant."

Napaismid ako nang magpakilala ito. Siya ang pangatlong descendant? Hindi ba't mailap ang tatlong Descendants ng paaralang ito? Ang tatlong namumuno at kinatatakutan ng mga estudyante ng Florentine University. Tignan mo nga naman ng pagkakataon. Hindi ko naman inakalang ganito kabilis ang pagkikita namin.

Muli kong sinuri ang kabuoan nito. Mula sa kasuotan at tindig nito, mukhang wala namang kakaiba sa lalaking ito. Mukha lang siyang tipikal na mag-aaral. Napadako ang tingin ko sa mukha nito. May itsura ito, makinis at maamo ang kanyang mukha na maaaring ihalintulad sa isang modelo. Doon ko nakita ang nag-iisang kamalian ng taong nasa harapan ko.

Ang kanyang mga ngiti.

"Tapos ka na bang suriin ang gwapo kong mukha? I know I'm so handso--" hindi ko na ito pinatapos at tinalikuran ko na ito. Nagsimula na akong maglakad paalis.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang nagsalita muli ito.

"HAHAHA! Minsan na nga lang ako magpakilala ng hindi labag sa kalooban ko tapos iiwan lang pala ako? Isn't it unfair? Alam mo na kung sino ako. Ikaw, Sino ka?" huminto ako saglit at hindi na ako nag-abalang tapunan ito ng tingin. Bakit pa? Kung ang pekeng ngiti lang naman nito ang makikita ko. Hinding-hindi ako malilinlang ng mga taong kagaya niya.

"Nakakatawang ang mga kagaya mong may mapagpanggap na ngiti ay marunong magsalita ng unfair. Ang mga kagaya mo ay inaabuso ang kakayahan ng taong makipagkaibigan. Hindi ba't ang ngiti ay isang sandata? Sandata ng mga taong matatag ang puso at ng mga taong ginagamit ang kabaitan para makuha ang gusto nila. Alin ka sa dalawang nabanggit?"

Tumahimik ito. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil sa una palang alam ko na ang sagot.

Ayoko talaga sa mga taong kagaya nila. Mga taong ginagamit ang magaan na personalidad para linlangin ang mga tao sa paligid nila. Delikado ang mga taong kagaya niya.

A person with jolly personality can easily make you feel secured and when your body and instinct can't feel any harm, you will let your guard down and give your trust. That's when they start attacking you without noticing your enemy is just in front of you.

Tuluyan na akong lumayo sa lugar na iyon at agad hinanap ang classroom namin para sa unang klase. Hindi pa ito ang oras para magpakilala sayo, Laino. Magkikita pa tayong muli.

Pagpasok ko sa classroom ay agad akong napakurap. Ako palang ang nag-iisang tao at kitang-kita ko ang bandalismo sa pader na sa tingin ko ay kapipintura pa lang. Napakarami nito pero isa lang ang nakapukaw ng pansin ko. Ang isang ito ay parang bago pa. Agad kong kinuha ang panyo ko at ipinahid sa ginamit sa pagvandal.

Fresh Blood.

ROT in H4ll.

VSSJXST

A code? Why would a person vandalize a code in a classroom?

Sandaling naputol ang pag-iisip ko nang dumating sila Hiro, Venice and Kris.

"Where are the others?" tanong ko.

"Nasa room pa Pres. Tulog pa." Sagot ni Venice.

Tumango ako at muling binalingan ang vandal na nasa paanan ko. Mukhang napansin din ito ng iba.

"Is that blood?" Tanong ni Venice. Akma nitong hahawakan pero hinawakan ko agad ang kamay niya.

"yes. Don't touch it. That could be something we can use as an evidence." sabi ko.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon