1:9

10.8K 250 2
                                    

Demonise's Point of View

Pagkadating ko sa bahay, sumalubong sakin ang nakahilerang mga kasama namin sa bahay. Maaaring narinig nila ang ugong ng sasakyan ko kaya nagmadali silang humilera. Iyon ang bilin ni Mom, which is so bithersome for me and so as with Angelo. Dinaanan ko lang sila at agad kong tinungo ang kwarto ko. Wala akong oras para batiin o ngumiti manlang sa sino sa kanila.

Sa kwarto ko mayroon pang apat na pintuan. Isa sa maliit na Gym kung saan ako nag-eensayo, siyempre ang sarili kong comfort room, isa sa walk in closet, at isa sa Private room. Pumasok ako sa private room.

Ang Private room ay naglalaman ng aking mga armas, narito na ang mga baril, daggers, katanas, shurikens and different kinds of kunai at marami pang ibang equipments para sa pakikipaglaban. Dito din nakatago ang iba ko pang customized guns. At dito din nakastore ang mga poisons and chemicals na ipinapagawa ko at ginawa ko. Kumuha ako ng mga baril, shurikens, kunai. Hindi naman ako makikipagbakbakan sa Isang daan kaya sa tingin ko ay okay na ito. Lumabas ako patungo sa kama ko at inilapag ko ang mga kagamitan na kinuha ko. Pumasok ulit ako sa isa pang pintuan, kung saan ko nilalagay ang mga susuutin ko.

Kumuha ako ng isang Black na Loose blouse na plain black at isang fitted Black Jeans na maraming Secret Pockets. Then, boots with Secret Pockets. Pati narin ang isang manipis na leather holster kung saan ko ilalagay ang baril na kinuha ko. Pagkalabas ko, pinasadhan ko ng tingin ang itsura ko. Now this is the other me. Fourth Panthom of Markers Gang.

Tumingin ako sa mukha ko, hindi ako nagmemake-up dahil naiirita ako kaya gumagamit lang ako ng cap para narin pang disguise. Sayang din ang oras kung mag-aayos pa ako. Nang nakuntento na ako, tumingin ako sa oras. (9:12 pm)

Okay na to!

Saka ako pumunta sa garahe kung saan nakatambay or should I say na nakaparking ang aking mga babies este sasakyan. Sumakay ako sa Buggati at pinaharurot ko ito patungo sa Underground Arena or Gangster Arena.

(GANGSTER ARENA)

Pagpasok mo palang, may bouncer na haharang sa inyo. Mukha silang mga taong lobo, literal na lobo. Nakasukbit sa kanilang mga bewang ang kanilang mga nagtataasang kalibre ng baril. At nakasimangot sila palagi.

"Markers Gang. Fourth Panthom."

Tumalima sila at agad akong pinapasok. Kilala ako dito bilang isang walang habas na gangster pero malimit na nagpapakita. Malimit na nga akong nagpapakita, palagi pang gumagawa ng gulo. Well, I guess that's what Fourth Panthom is.

At siyempre, mawawala ba naman ang mga usisero at usisera? Mga chismoso at chismosang ang sarap gilitan sa leeg? But no, they're not worth my precious time.

"wow! ang ganda niya!"

"oo pero mukhang weak."

"anghel pare!"

"si Fourth phantom!"

"siya yung 4th phantom ng Markers Gang?"

"oo kaya tumahimik na kayo!"

"Bitch!"

Napantig ang tenga ko dun sa huli, Thats my Signature Name, BITCH. At siyempre dahil mahilig ako sa troubles, and I'm the trouble itself, nilapitan ko ito. I can bitch up whenever I want to. Not the Bitch who hooks up but the Bith who isn't afraid to be who she is and who can beat the hell out of them.

"Yes dear, I'm a bitch. Want some sample? Here, I'll give you one!" Pumutok ang kanyang labi at dumugo ito. Nakasalampak ito sa lupa habang sapo ang kanyang bibig at hindi makapaniwalang sinuntok ko siya. I smirked. How I love to see her raging because of anger.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon