3.7

1.5K 41 3
                                    

Chapter 3.7:A month

Mabigat ang bawat hakbang ng mga estudyante sa Vizuelle University. Ramdam ng bawat isa ang kagustuhan ng lahat na makilala ang bawat kasapi o ang lahat ng nabibilang sa pangkat ng pinakamalakas, pinakamatalino, pinakamaliksi at pinakakinatatakutan ng lahat. Ang tatlong potential hackers, walong potential reapers, at dalawang middle rankers.

Ilang araw palang ang nakakalipas nang inianunsyo ng tumatayong Head Mistress ng University ang araw kung kailan maipapakilala sa lahat ang labintatlong taong mangunguna sa pagproprotekta at pagpapanatili ng kaayusan.

(Ilang oras bago ang pagpapakilala)

Rhiannon's Point Of View

The day everyone has been waiting for has come.

7:30 palang ng umaga. I decided to go for a walk inside the University.

Ngayon lang nanaman ako nakapagliwaliw. The last time was on the rooftop.

Sigh.

Matagal ko nang hindi nabibisita ang tambayan ko doon. My hidden pace. My hidden Crib.

I was a bit early. Naghahanda pa  lang ang lahat.

Sa room na ng boys nakitulog ang mga lalaki at kami naman ni Venice ang natulog sa kabila. Wala namang problema dahil protektado ang room namin ng Head Mistress. Hindi niya ako maaaring hindian. Besides, the son of the owner is with us. They can't mingle with our thing.

Medyo marami nang pakalat-kalat na mga estudyante. Ang 11-C naman ay nasabihan nang huwag munang sabihin sa iba ang kanilang mga nalalaman hanggang dumating ang araw ng announcement. Sobrang saya nila when they realized that they were oriented first before the announcement. Parang VVIP daw. 

Dinala ako ng paa ko sa isang training room. Ang Dart and Archery Room. Hinahanap ko rin kasi si Blaze. If there is one place that you'll find someone like him? Dart and Archery Room will be the only place to go. He's a damn sharp shooter. Mula pagkabata. Walang kupas. He said he remember every detail of his room and he said there's a Dart Board with darts already darted on the bulls eye. That's what he said when we were young.

I need to talk to him about letting me go with him. Kailangan ko siyang kumbinsihin na pumayag sa mga alok nilang missions. We used to be Partners. Hanggang sa nabuo ang grupong Six Fangs. I was a member of the Fangs. Fangs is the original Six Fangs with seven members. They are the Fangs and I'm the Venum itself. That's why we called it Six Fangs. Gusto ko nang tumanggap ng mga missions. Also, I'm looking forward to go on a mission with the twelve.

Napasipol tuloy ako. Ngunit hindi ko nagawa.

"Alam mo bang hindi ko rin alam sumipol?" Napaiktad ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

Everything she's wearing is Black.

Ang babaeng hinahangaan ko. Si Demonise Vizuelle Frontierre.

Napakaganda niya talaga at hindi mo aakalaing napakaliksi at napakagaling niya. Siya ang Vlamour, ang reyna ng mga Assassins.  A tiger with a face of a cat. A living proof that people that looks like an Angel outside but Demon inside really do exists.

Kung ano ang ikina-bait niya, yun naman ang ikinasungit ang anak niya. Tch.

Napatingin ako sa mukha nito na nakangiti. Nginitian ko ito pabalik. Sasagutin ko na sana ito nang biglang may nagsalita nanaman sa likoran ko. Pangalawa na a. Una si Madame Demonise, ngayon naman..

"hindi talaga siya marunong sumipol mula pa noong mga bata kami kahit pa halos araw-araw ko siyang tinuturuan dati."

Si Blaze.

Angel Outside but Demon InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon