C&P03

58 7 3
                                    

Cons

Salubong ang mga kilay ni Hart habang nakatingin sa akin ng madatnan niya ako sa field. At alam ko naman kung bakit. May pasa kasi ako sa gilid ng labi ko.

Iniiwas ko na lang ang paningin sa kanya at ipinagpatuloy na lang ang pagwawarm-up. Medyo sumasakit pa din ang binti ko pero hindi pwedeng mawala ako sa practice ngayon.

"Hindi mo ieexplain kung saan mo nakuha yan?" Seryosong tanong sa akin ni Hart.

"Ang ganda ng araw ngayon no Hart? Buti na lang kaya kong magpractice today!" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi rin ako tumitingin sa kanya at tuloy lang sa pagwawarm-up.

Lumapit siya sa akin. "Constance." Napalunok ako ng tawagin niya ako sa buo kong pangalan. Ibig sabihin seryoso siya ngayon.

Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng pinakamaganda kong smile.

"Tinamaan ako ng pinto kaninang umaga hehehe.." Unti-unting nawawala ang smile ko dahil seryoso lang siyang nakatingin sa akin at halatang hindi kakagatin ang ibinigay kong reason.

"Nakipagrambol ka?" Muli akong napalunok. Wala ng saysay kung magsisinungaling ako. Kahit ano namang sabihin ko hindi siya maniniwala.

Umiling ako at lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hindi naman talaga! Ano kasi kagabi may tinulungan lang akong babae! Wala naman akong balak na makipag-away, sasawayin ko lang yung mga lalakeng kumukursunada dun sa babae kaso paglapit ko bigla na lang akong sinuntok! Pero don't worry, isang suntok lang naman yun hindi lang ako nakaiwas kasi biglaan!" Tuloy-tuloy kong pageexplain sa kanya na may kasamang kaba.

"E di napaaway ka nga??" Sumama ang tingin niya sa akin. Ilang beses akong umiling.

"Hindi ah! Nung makilala nila ako, umalis na sila! Promise kahit itanong mo pa dun sa babaeng tinulungan ko!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

"As if kilala ko yung babae!"

"Makikilala mo, dito rin siya nag-aaral e!" Rebutt ko naman.

"Gumanti ka?" Napakagat ako sa labi ng itanong niya yun.

"Umm.."

"Gumanti ka??" Muli niyang tanong. Gusto kong magsinungaling pero malalaman din niyang nagsisinungaling ako dahil may sugat ako sa bukong ng kamao ko. Alanganin akong tumango.

"Pero tatlong suntok lang naman at isang tao lang yung sinuntok ko.. promise hindi talaga ako nakipag-away!" Muli kong tinaas ang kanang kamay ko. Sana maniwala siya sa akin. Huhuhu.

Ilang segundo ring nakatitig sa akin si Hart pero pagkatapos nun ay napabuntong-hininga siya.

"Wala na sanang kasunod ito Cons. Alam mo namang magkakaproblema ka sa team oras na pumasok ka sa gulo." Paalala niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na niya ako pinagalitan.

Alam ko naman yung sinabi niya kaya nga simula ng magseryoso ako sa baseball two years ago, tinalikuran ko na ang buhay rambol. Nung kabilang buwan lang talaga ulit ako naparambol na buti na lang wala ng nakaalam.

Ilang beses akong tumango kay Hart. Tinapik niya ako sa balikat at nagsimula na siyang magwarm-up. Ngumiti na lang ako. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin.

After 10minutes warm-up ay nagsimula na kami sa drillings. Sumasakit talaga ang binti ko at dahil dito, nakakailang dapa at tumba na ako sa lupa. Relays kasi ang ginagawa namin.

Wala naman silang narinig na reklamo galing sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagpapractice kahit na may sakit akong iniinda.

Matapos ang first drill namin ay nilapitan ako ni Hart.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon