C&P20

70 9 5
                                    

Pro

"Sure ka ba talaga na siya yun?" Tanong ni Clay. Kasalukuyan na kaming pabalik ng Arend.

I nodded. "I'm 100% sure mga pare. Hindi ko naman para pagbintangan lang siya. I really caught him that day! Naiwan pa nga niya ang camera niya sa akin dahil sa pagmamadali niyang makatakas!" Explain ko. Sigurado talaga akong siya yun.

"Pero asan yung camera? Dala mo ba?" Tanong naman ni Rowan.

"Yes! Kasi balak kong ibigay yun kay psycho with her phone. Papaalalahanan ko rin sana kasi siya about her stalker. It was in my bag lang but bigla yung nawala!"

Nagtinginan silang dalawa.

"Icheck mo muna kaya sa locker mo. Hindi kasi natin mapapatunayan ang sinasabi mo against him kung wala tayong ebidensya. I'm afraid to say this, pero hindi basta-bastang tao si Caspian Trinidad. Bukod na siya ang SC President, anak siya ng isang Senador."

Natahimik ako. Tama si Clay. Hindi pwedeng basta ko na lang siya pagbintangan ng wala akong ebidensya. Kelangang mahanap ko yung camera.

"Bakit ba natutulog dun si Cons?"

"Puyat kasi yun. Biruin nyo nagwowork siya sa CB every night and she needs to wake up early para sa baseball practice nila. Kaya dun na siya sa rooftop bumabawi ng tulog." Explain ko kay Rowan.

"E ano namang ginagawa mo sa rooftop?? Stalker ka rin niya??" Pinangunutan ko ito ng noo. Minsan talaga nakakabobong kausap ito. Ang seryoso ng usapan namin pero bigla siyang magsasalita ng nonsense.

"Of course not! Gago ka ba? Andun ako because ibabalik ko nga sa kanya yung phone niya! Hindi ko na kasi naibalik yun nung naaksidente siya!" Nagstart akong mahighblood sa kanya.

Naiiling lang naman si Clay sa kaibigan namin.

"Chill bro! Jojoke lang e!" Nagpeace sign pa siya. Ang sarap niyang batukan.

"So heaven sent ka pala for Cons that day. Buti na lang talaga you were there." Ani Clay at hindi na lang namin pinansin si Rowan.

Tumango ako.

"Yeah right, lalo na walang kamalay-malay ang babaeng yun kasi tulog na tulog! Imagine, simula ng practice game nila nung umaga pa siya sinusundan ng stalker na yun!"

"We really need to find that camera. Kailangan din siguro nating paalalahanan si Cons na mag-ingat." Suggest pa nito.

"Ako ang magsasabi sa kanya!" Prisinta ni Rowan.

"No!" Sabay naming paghindi ni Clay. Kumunot ang noo nito.

"You will not talk to her, Rowan. Please lang!" Naiiling na wika ni Clay.

"Bakit naman?"

"Because you're stupid!" Asik ko sa kanya.

"Ouch! Grabe ka naman!" Sinimangutan niya ako.

"Just let Pro handle this, okay? Hindi ito simpleng bagay so please Rowan, kung ayaw mong mas magkaroon tayo ng malaking problema, stay out of it. Maliwanag ba?"

"Sige na nga! Pangit nyo kabonding!" At nakasimangot siyang iniwan kami. Nagtinginan lang kami ni Clay at sabay na napabuntong-hininga. Sana lang talaga, walang gawing kabobohan si Rowan.

~~

"Are you sure na iwan na kita dito?" Tanong ni Clay nang magstop ang car niya sa tapat ng CB.

"Yeah. Ako ng bahala."

"If magpapasundo ka just text me, okay?" Tumango ako. "Just talk to her casually. Iwasan mong magsungit." Paalala niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon