Pro
Hindi ko magawang makinig sa mga sinasabi ni Carlo, ang president ng department namin. Wala akong naintindihan ni isa man sa lahat ng mga pinag-usapan tungkol sa magaganap na CVM Week next week. Wala kasi sa kanila ang atensyon ko kundi sa nangyari sa akin kahapon kasama si Cons.
Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na magagawa kong maligo sa ulan tapos nagawa ko pang mag-enjoy.
I am not fond with the rain. As a matter of fact, I hate it. Tuwing umuulan kasi, bumabalik sa akin ang traumatic past ko. Bumabalik ang mga pangit na alaala noong 9 years old pa lang ako. Nakakainis mang aminin pero because of that nagkaroon ako ng fear sa rain, thunder and lightning that causes me anxiety disorder.
Pero hindi ko alam kung anong ginawa ni Cons at parang nalimutan ko yung takot ko kahapon. Hindi ko alam kung paano niyang nagawang magenjoy ako kahapon.
Possible ba yun? Na mawala na lang yung takot ko? Dahil ba kasama ko siya?
Hindi ko rin maitatanggi na bukod na nagenjoy ako kahapon, nakaramdam din ako ng excitement nung iwasan namin yung punong tinamaan ng kidlat. It was dangerous pero it was fun. Ayoko lang aminin sa kanya kahapon pero that was cool.
I even let her inside my room, let her use my bathroom and lend my own clothes.
Nakakapanibago, ang weird sa pakiramdam but it's a funny weird kind feeling.
And hindi ko rin malimutan yung itsura niya nung suot niya yung shirt and jogging pants ko. She's so small sa clothes ko. Ang cute cute niyang tingnan.
"Pro." Tiningnan ko ang tumawag sa akin. Nakita kong nakatayo na si Clay. "Tapos na ang meeting, let's go."
Hindi ko namalayan na natapos na pala ang meeting namin. Tumayo na rin ako at sumunod kay Clay.
"Are you okay? Parang wala sa meeting ang isip mo kanina." Puna sa akin ni Clay habang naglalakad kami pabalik sa building namin.
Hindi naman agad ako nakapagsalita. Hindi ko pwedeng sabihin na si Cons ang nasa isipan ko buong meeting. Baka kung anong isipin niya and worst if malaman ni Rowan, aasarin ako lalo ng gagong yun.
Umiling ako.
"Wala lang ako sa mood." Sagot ko na lamang. Hindi naman nagsalita si Clay pero nanatili siyang nakatingin sa akin. Akala ko may sasabihin pa siya pero tumango na lamang siya at hindi na ako pinansin.
"Oh, right!" Bigla siyang tumigil sa paglalakad. "Mauna ka na pala, Pro."
"Why?"
"May ibabalik ako kay Cons." Nangunot ang noo ko. "Pinahiram kasi niya ako ng payong kaninang umaga." Ipinakita niya sa akin ang isang foldable umbrella. Hindi ko napansin na may dala dala pala siyang ganun mula kanina.
"Nanggaling kasi ako kanina sa department nila because of Mrs. Gonzales, sakto namang biglang umulan nang paalis na ako. Luckily, nakita ako ni Cons at ipinahiram ito sa akin."
Without thinking, mabilis kong kinuha ang payong mula sa kanya.
"Ako na lang ang magbabalik nito!" Volunteer ko. "May gagawin ka pa, di ba? Sige, Clay, see you later!" Bago pa siya may sabihin ay agad ko siyang iniwan.
I don't know why pero I feel so energetic at this moment. Sobra akong excited na sobrang saya.
Mas lalo akong naexcite nang makita ko agad si Cons habang naglalakad papasok sa may pool area. Tatawagin ko pa sana siya pero nakapasok na siya sa loob. Sinundan ko na lamang siya at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti.
Ang weird kasi parang naririnig ko yung kantang pinarinig niya sa akin kahapon. Na-LSS nga ako dun e at paulit-ulit kong pinakinggan kagabi before ako magsleep.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...