C&P10

50 6 0
                                    

Pro

Tumingin-tingin ako sa paligid ng makarating sa Arend. Nagbabakasakaling makikita ang psycho na yun. Para kasi yung kabute na sumusulpot kung saan. Pero nakarating na ako sa room namin, hindi siya nagpakita sa akin.

Lab class kami ngayong araw. Itutuloy ulit namin ang pagdadissect. Tawang-tawa naman kaming lahat kay Rowan kasi may dala-dala na siyang pale this time.

"Shut up guys! Gusto nyo sukahan ko kayong lahat dyan!" Asik ni Rowan sa mga kaklase namin. Sinamaan pa niya ng tingin ang mga ito.

"Seriously?? Nagdala ka talaga ng pale??" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Tss! As if gusto ko talagang magdala nito! Ayoko lang paglinisin na naman 'tong si Clay ng kalat ko!" Nakasimangot niyang sagot sa akin.

"Buti naman pre naisip mo yan! Mas nakakadiring linisin ang suka mo kesa magtanggal ng dugo ng aso." Kinilabutan naman si Rowan sa sinabi ni Clay.

"Eww! Yuck! Kung pwede lang bayaran ko na lang si Sir Bernal para ipasa niya ako e! Shikkkkk!"

"Sinong babayaran mo, Sevilla??" Pare-parehas kaming nagulat ng biglang magsalita si Sir Bernal sa unahan. Walang nakapansin sa amin na dumating na siya.

"Ah, wala Sir! Hehehe." Kamot-ulong wika ni Rowan. Tumingin si Sir Bernal sa hawak na pale nito.

"Talagang nagdala ka nyan?" Parang nang-aasar pang tanong ni Sir. Hindi naman siya sinagot ni Rowan. Wala na ding nagsalita sa amin.

Nagsimula na ulit kami sa pagdadissect at tulad ng inaasahan, nagsuka na naman si Rowan pero hindi na sa sahig kundi sa pale na. Pinipilit naman niyang tulungan ang partner niya sa sa pag-aalis ng dugo pero talagang hindi kaya ng sikmura niya. Natapos ang klase naming lambot na lambot ang kaibigan namin.

"Rowan, are you okay?" Naaawang tanong ng partner niya sa kanya.

"Hehe.. ayos lang ako, Phoebe.." Ayos daw pero namumutla na nga siya. Nilapitan na namin siya ni Clay at inalalayan siya.

"Dalhin ka na namin sa Infirmary?" tanong ni Clay.

"Hindi. Ayos lang ako.. maya na lang ako magpapahinga after ng next class natin." Dahil sa sinabi niya ay sa sunod na naming klase kami pumunta.

"Wala ka bang pwedeng inuming gamot para mapigilan yang pagbaligtad ng sikmura mo every time na nakakakita ka ng dugo?" Ako naman ang nagtanong nun sa kanya. Umiling si Rowan.

"Hindi ko alam e.. ngayon ko lang naman naexperience ito kasi ngayon lang tayo nagkaron ng dissecting subject."

"Sana lang talaga pre matapos mo ang buong semester na ito na buhay ka pa!"

"Gago ka talaga!" Natawa lang ako ng minura niya ako.

"Kung humingi ka kaya ng tulong, Rowan?" suhestyon ni Clay.

"At san naman?"

"Sa pari bro! Paexorcist ka baka kasi may sapi ka pala." Pang-aasar ko sa kanya. Minura niya ako gamit ang kamay niya. Sinaladuhan ko rin siya ng middle finger ko.

"Hoy! Tigilan nyo na nga yan! Magkapikunan pa kayo dyan e!" Sinaway naman kami ni Clay.

"Obob ka talaga minsan pre no? You're asking pa kung saan, e di sa doctor! Magpacheck-up ka bro para mabigyan ka nila ng remedy dyan sa pagsusuka mo." Suggest ko.

"Pro's right, Rowan! Hindi naman kasi pwedeng buong semester, magsusuka ka lang ng magsusuka sa lab class ni Sir Bernal!" Sinang-ayuan ako ni Clay.

"Tss! Hassle mga bro kapag nagpacheck-up pa ako! Ano kaya kung sa kuya mo na lang ako magtanong, Pro?"

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon