Pro
"Kuya, ospital ka ulit today?" Tanong ni Oly kay Kuya Atlas. Bumababa si kuya sa may hagdanan habang andito kami ni Oly sa living room.
"Yeah! Kailangan nila ako today e medyo maraming patients," sagot naman ni kuya nang tuluyan siyang makababa.
"Kuya, alam ko naman kung gaano ka kadedicated na doctor pero pwede naman siguro na magrest ka kahit one day lang di ba?" Yes, tama si Oly. Halos wala na kasing pahinga si kuya.
Nakangiting lumapit si kuya kay Oly. Hinalikan niya ito sa ulo pagkatapos ay ginulo ang buhok nito.
"Don't worry, nakakapagrest naman ako sa ospital e.."
Nagpout si Oly. "I doubt it!"
"Oly's right, Kuya.." Tumingin siya sa akin.
"You're not a robot, baka maya nyan bumigay ang katawan mo." Pinaalalahan ko siya pero nginitian niya lang din ako.
"Awwww! Bakit sobrang concern naman ata sa akin today ng lil bro and lil sis ko??"
Lumapit siya sa akin tapos akmang ikikiss din niya ako sa ulo pero agad akong lumayo sa kanya. Tinawanan lang naman niya ang ginawa ko, muli siyang lumapit sa akin at ginulo na lang din ang buhok.
"Kuya!" bulalas ko. Buti na lang tumigil na siya sa ginagawa niya.
"Don't worry about me, okay? I know naman when to rest tsaka promise uuwi ako ng maaga later, masasabayan ko kayo sa pagdidinner!"
"Siguraduhin mo lang yan kuya ha? Baka mabreak na naman yang promise mo!" ani Oly. Muli lang tumawa si kuya at lumapit na sa may pintuan.
"Wag kayong mag-aaway ha? Kapag may nagsumbong sa akin, parehas ko kayong kukutusan pag-uwi ko!" Siya naman ang nagpaalala sa amin.
"Yes, Kuya~" Nakangiting sagot ni Oly. Tumingin sa akin si Kuya Atlas, hinihintay ang pagsagot ko.
"Tss! Oo na." Umikot pa yung mga mata ko at tumingin na sa cellphone ko. Nag-aaway lang naman kaming dalawa ni Oly dahil siya ang nangunguna, not me.
"Good! See you later sibs!" Paalis na siya nang muli siyang tumingin sa akin. "One more thing! Pro, wala kang aawayin sa mga kaibigan ni Oly, okay?" Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa sinabi ni kuya.
"What??" Hindi naman nagsalita si kuya. He's just looking at me, waiting for me to answer him.
I rolled my eyes. "Fine!" Inis kong wika. Ngumiti naman ito.
"Good! Be a good boy, okay?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Bago pa ako makapagsalita ay tuluyan na itong lumabas ng bahay.
"Narinig mo ang sinabi ni kuya Atlas ha? Malalagot ka sa kanya kapag sinungitan mo mga friends ko!" Binelatan pa ako ni Oly at saka siya tumakbo papunta sa kusina.
Gustuhin ko mang habulin si Oly at awayin ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Inis akong bumuntong-hininga.
May magagawa pa ba ako? Wala na, di ba?
Kahit gusto kong magsungit later hindi pwede. Ayos sana kung si psycho lang ang pupunta dito pero may mga iba pang inimbitahan si Oly.
Hindi ko naman kailangan ng tulong para itutor si Cons. Kayang kaya ko siyang turuan just by myself. Nakakainis talaga!
Nakakadagdag sa inis ko yung wala man lang akong naririnig mula kay psycho about dun sa ginawa ko for her.
Chineck ko ang Twitter. Wala man lang dm galing sa kanya. Chineck ko yung mismong Twitter account niya and nakaprivate pa rin siya. Hindi ko tuloy makita kung ano ang laman ng timeline niya. Kung magtitweet naman siya at kahit nakatag pa ang UAU, hindi ko pa rin yun mababasa. Bakit kasi wala man lang siyang reaction dun sa ginawa ko..?
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
Любовные романыSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...