C&P29

50 6 1
                                    

Cons

Sobra akong excited habang papunta sa school. Ito na yung araw na iaannounce na ni Coach ang mga bagong regulars. Kinakabahan ako pero malaki talaga ang tiwala kong makakasama kami ni Hart.

Hindi naman sa mayabang pero iba talaga yung pakiramdam ko ngayon. Idagdag pa na kahapon pa talaga maganda ang mood ko.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makarating ako sa Arend. Pinapark ko pa lang ang motor ko pero parang naririnig ko ang tibok ng puso ko.

Chill Cons.. baka atakihin ka..

Napapangiting wika ko sa aking sarili.

Inilagay ko ang aking helmet sa loob ng GIVI box at ng masigurong ayos na ang motor ko ay iniwan ko na ito.

"Goodmorning, Cons." Napalingon ako sa bumati sa akin. Si Pres.

"Pres! Goodmorning din po!" Lumapit siya sa akin. "Ang aga mo naman!" Hindi ko napigilang sabihin dahil madilim pa rin kasi.

"I need to. Morning duty ko na kasi ang mag-ikot sa Arend." Hindi ko naman mapigilang hindi maamaze sa sinabi niya. Ang sipag naman pala talaga ng SC President namin.

"Nakapagreview ka na ba ng ayos for Lit?" Tanong niya sa akin. Ilang beses naman akong tumango.

"Handang handa na ako sa Final Exam!"

"That's good to hear! Today na ang announcement, right?" Muli akong tumango. Bumalik tuloy ang excitement ko.

"Pray for me na mapili ako!" Kinapalan ko na ang mukha ko sa sinabi ko. Mahina naman siyang napatawa.

"Oh.. I'll try, even though I'm not that religious." Kamot-pisnging sagot niya sa akin. Bigla tuloy akong nahiya.

"Ah! Salamat, Pres hehehe."

"But don't worry, I can feel na mapipili ka. You're a dedicated and great athlete at malaking kawalan if you'll not be picked." Lalo akong nahiya sa sinabi niya pero deep inside nagtatalon ako sa tuwa.

"Totoo??" Tumango siya. "Ah.. hehe.." Napakamot ako sa ulo ko pero nafifeel ko parang lumalaki ito. Nakakaboost talaga ng confidence kapag may mga taong nagbibigay ng encouragement.

"Good luck, Cons."

"Salamat ulit, Pres!" Nagsalute ako sa kanya. Nginitian naman niya ako.

"I'll go ahead."

"Sige po, Pres!" Kumaway pa ako sa kanya habang nakangiti. Nang makaalis siya ay hindi ko na napigilang magtatalon sa tuwa.

Waaaaa! Inacknowledged ng SC President ang playing skills ko! Waaaaa!! Ibig sabihin ba nito, talagang magaling ako??

Hindi ko napigilang tumawa.

Tngna! Magaling talaga ako! At sigurado na talaga akong mapipili ako mamaya! Makakalaro na ako sa wakas sa isang official game itaga nyo yan sa bato! Wahahahahaha!

Nagsimula muna kami sa warm-up. Nagsisimula kami sa jogging. Nakakalimang ikot kami sa mismong field ng Arend bago kami magsimula sa drillings.

Tagaktak na ang pawis ko habang hinihintay ang turn ko sa ginagawa naming drill ngayon. Bale pang-anim na namin itong drill. Marumi na rin ang uniform ko dahil katatapos lang namin sa Sliding Drill, kung saan ilang beses kaming pinagslide ni Captain sa lupa. Kailangan kasi naming masanay sa sliding para kapag kinakailangan ng pagkakataon ay hindi kami mahihirapang gawin yun.

This time ang ginagawa namin ay Pitching Fielding Practice. Nasa kalagitnaan kami ng drill na iyon ng dumating na si Coach Soriano pati na rin si Manager Migs. Pinatigil kami ni Captain sa mga ginagawa namin at lumapit na kami kay Coach.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon