Cons
Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga matapos tumawag sa akin ni Oly. Hawak hawak ko ngayon ang birthday invitation na ibinigay niya sa akin nung isang araw.
Tinawagan ako ni Oly para iremind akong ngayon ang birthday niya at hindi pepwedeng hindi ako pumunta.
Hindi ko naman nakakalimutang birthday niya ngayong araw, totoo nga niyan nakabili na ako ng regalo sa kanya. Kaso hindi ko mapigilang magdalawang isip kung pupunta ba ako o hindi na lang.
Birthday yun ni Oly syempre andun si Pro. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya oras na magkita kami o papansinin kaya niya ako..?
Iniisip ko pa lang na hindi niya ako papansinin, nalulungkot na ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin siya nakikita at hindi pa rin kami nagkakausap.
Ang tindi pala talaga niya magalit. Umaabot ng ilang linggo.
Hayyysss..
Buti na lang hindi galit sa akin si Oly. Wala naman siyang nababanggit tungkol sa naging issue sa akin at kay Axel. Hindi siya nagtatanong, siguro nahihiya. Hindi na rin ako nagexplain dahil nahihiya rin ako.
Tsaka medyo nagtatampo rin ako kay Pro. Bakit hindi siya nagtanong sa akin kung totoo ba yung issue? Ano yun, naniwala agad siya? Hindi niya muna pinakinggan ang side ko? Kung may pagpapaliwanagan man ako, yun ay si Pro kaso ayaw nga akong kausapin.
Hindi na rin ako nagtry na iapproach siya dahil sa naging pakiusap sa akin ni Astrid, ilang araw matapos sumabog ang issue sa pagitan namin ni Axel.
"Bessie.. I'm sorry but can you keep your distance to Pro.. I'm trying my best para mapalapit sa kanya.. baka magkaroon ako ng chance if mas makikilala niya ako.. kung andyan ka at nakikita ka pa rin niya, baka hindi na talaga niya magawang tumingin sa akin.. so please.. do me this one last favor.. please lumayo ka na sa kanya.. mahal na mahal ko talaga siya, Cons.."
Sobrang lalim ng hiningang pinakawalan ko. Sinulyapan ko si Loki na naglalaro sa tabi ko.
"Loki, ako na lang siguro yung maggigive way.." Tumingin siya sa akin at lumapit. Kinuha ko naman siya at niyakap. Parang alam niya na nalulungkot ako ngayon kaya marahan niya akong dinilaan sa pisngi pagkatapos ay niyakap niya ako.
"Eto nga pala, birthday invitation ni Oly para sayo."
Ipinatong ko sa mesa ang invitation. Tiningnan lang yun ni ate at hindi nag-abalang kunin. Saka siya tumingin sa akin.
"Sa tingin mo aattend ako sa birthday party na yan?" Nanunuyang tanong niya sa akin.
"She's not my friend so why would I bother myself?" Nakataas ang kilay na tanong pa niya sa akin.
"E di wag. Ikaw na nga ininvite. Tss!" Tinaasan ko din siya ng kilay at inis na kinuha ulit ang invitation.
Hindi nakilala ni Oly si ate pero nalaman naman niya na may ate nga ako kaya nagpaabot din siya ng invitation para dito. Kaso asa naman ngang pumunta si Ate Celeste. Mas gugustuhin pa nitong magpakasubsob sa mga libro niya kesa dumalo sa isang party.
Narinig kong tumunog ang doorbell. Sigurado akong si Axel na ito. Pinuntahan ko ito at hinayaang pumasok. Magpapaalam muna daw siya kay Papsie.
"Paps, aalis na kami!"
"Mag-iingat kayo ha? Pakisabi kay Oly na happy birthday! Dalhin mo ito para sa kanya." Iniabot niya sa akin ang isang napakagandang bouquet of flowers.
"Tito, ako na po munang bahala kay Cons."
"Sige, Axel. Mag-iingat ka sa pagdadrive."
"Opo."
Umalis na kami.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...