Cons
Hindi ko mapigilan ang paghikab habang sabay-sabay kaming nagjajogging ngayon paikot sa napakalawak na track and field oval ng Arend. Pinilig-pilig ko na lang ang aking ulo para mawala ang aking antok.
"Last night mo na sa CB kagabi, di ba?" Mahinang tanong sa akin ni Hart.
Nalaman na niya kahapon na nagwowork ako sa CB kung kelan last night ko na.
Tumango ako sa tanong niya.
"So dapat starting tomorrow hindi ka na magpupuyat ha?" Paalala nito sa akin. "Masama sa atin ang magpuyat, alam mo yan." Hindi ngumingiting dagdag nito.
"Opo nanay!" Nakangising sagot ko sa kanya. Tamad siyang tumingin sa akin at hindi ko nailagan ang pambabatok niya. Ngumuso ako sa ginawa niya sa akin.
"Seryoso ako."
"Oo na. Hindi na ako magpupuyat.."
"Good." At tumingin na siya sa unahan. Sinimangutan ko siya. Tumingin na rin ako sa unahan at pagkatapos ay ngumiti. Alam ko naman na concern lang sa akin si Hart. Ayaw kasi nitong pinababayaan ko ang aking sarili.
Pinagalitan nga niya ako kahapon nung malaman niyang nagwowork ako as a part-timer sa CB. Kapag daw kasi nalaman yun ni Coach baka magkaroon ako ng problema lalo pa at bar yung pinagtrabahuhan ko. Buti na lang daw at aalis na ako dun.
Pero bukod naman kasi sa CB, may iba pang pumuyat sa akin. At yun ay walang iba kundi dahil sa isang baby boy na nagngangalang Prometheus Panaligan.
Para kasing tanga yun kahapon. Sobrang wirdo! Hindi ko malaman kung ano ba talaga ang pumapasok sa isip ng taong yun.
Di ba galit yun sa akin? Binuhusan nga ako ng milktea e tapos sinabihan ko na rin siyang dumistansya na kami sa isa't isa kasi ayoko na ring makipag-away sa kanya.
Syempre iniiwasan ko rin na talagang mapikon ako sa kanya kasi ayoko naman siyang patulan. Ayoko ngang tuluyang sapakin yung crush ko no? Wala na nga akong kapaga-pag asa tapos gagawin ko pa yun.
Kaya naman sisimulan ko na talagang layuan siya. Para kasing habang tumatagal mas tumitindi ang galit nun sa akin. Ang saklap talaga pero bago pa niya ako kamuhian ng todo, puputulin ko na kung ano mang ugnayan namin. Pero as if naman meron. Tss.
Pero sa totoo lang hindi naging madali sa akin yung pagpapalayas ko sa kanya sa rooftop nung isang araw. Para nga akong tanga pagkaalis na pagkaalis niya, bigla kong pinagsisihan ang mga sinabi ko. Kaso wala naman nga ako magawa kasi yun ang sa tingin kong mas makakabuti sa amin.
Tapos bigla siyang nagpakita sa akin sa CB kagabi! Alam naman niyang dun ako nagtatrabaho tapos pupunta siya dun? Magkahalong emosyon tuloy ang mga naramdaman ko nang makita siya.
Flashback
"C! Pakidala naman nito sa table 7!"
Tumigil ako sa paghuhugas nang marinig ko yun. Mukhang marami atang customer ngayon dahil ako na mismo ang inutusang magdala nun.
Pinunasan ko muna ang mga kamay ko at inalis ang suot kong apron. Dito kasi ako sa kusina nakatoka ngayong gabi. Loko kasi si Sir Jackson, porke't last night ko na, inassign niya akong maging dishwasher.
Mabilis kong kinuha ang bucket of beers at pumunta sa table 7. Pero malayo pa lang ako, natanaw ko na kung sinong nakaupo dun.
Nakagat ko ang lower lip ko nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Putek.. bakit andito siya..?
Hindi agad ako nakalapit sa kanya dahil nagdadalawang-isip ako kung dadalhin ko pa rin ba itong order niya.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
Любовные романыSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...