Cons
Huling bato na ni Hart ng bola at tapos na din kami sa hitting drill. Isang oras din kami sa drill na ito. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero mas gusto kong ipractice ang pitch ko.
"Okay! Last one!" Sigaw ni Hart.
Hinawakan ko ng mahigpit ang bat at diretsong nakatingin sa gagawing pagbato ng partner ko. Binato na niya sa akin ang bola at solid ang pagkakatama nito sa hawak kong bat. Ramdam na ramdam ko pa ang impact nun. Sa lakas ng pagkakahampas ko, lumipad ang bola palabas ng field. Napangisi naman ako at pinanuod pa ang paglipad ng bola. Homerun baby!
"Cons naman!! Ikaw ang pumulot nun!!" Inis na sigaw sa akin ni Hart. Siya kasi tagabato slash tagapulot ng bola. Hehehe. Natatawang napakamot ako sa ulo. Lumapit ako sa kanya.
"Sorna, ganda kasi ng bato mo e!" Tinaasan niya lang ako ng kilay kasi alam niyang binobola ko lang siya.
"Pulutin mo." Seryosong utos nito sa akin. Hindi umepek ang pambobola ko.
"Hehe.. oo na." Paalis na sana ako ng may magsalita.
"Hah! Bakit pa kayo nagpapractice e kahit ano namang gawin nyo, hindi kayo magiging regulars!" Nawala ang ngiti ko ng marinig ang sinabi nito. Nilingon ko si Xavier at kasama nito sila Austin at Isaac. Magkakaibigan sila at kasamahan namin sa Baseball Team.
"Masyadong nagpapakitang gilas! E kahit ano namang galing nyo hindi pa rin kayo papantay sa galing namin!" si Isaac.
"Sa softball na lang kasi kayo sumali! Hindi yung isinisiksik nyo ang mga sarili nyo dito sa Men's Baseball Team!" Inemphasize pa talaga ni Austin ang Men's.
Nakatingin lang naman ako sa kanila ng walang kagana-gana. Hindi pa din talaga nagsasawa ang tatlong itlog na ito sa pangbubully sa amin ni Hart. Simula ng mapasali kami sa team hanggang ngayon, hindi pwedeng matapos ang isang araw nang hindi nila kami papatutsadahan.
Pero wala akong pake kung lalake pa sila dahil hindi ako ipinanganak para magpatalo lang.
"E di kung sasali kami sa softball, wala ng magpapamukha sa inyo dito sa baseball team kung gaano kayo kabopols maglaro!" I gave them my infamous spiteful smile kung saan ilang beses na akong napaaway dahil dito.
Kahit ilang beses pa nila kaming idiscriminate at ibully, never akong nagpatalo kaya nga mas lalo silang nagngingitngit sa galit. Mas una silang napipikon.
Lumapit si Xavier sa akin. Hindi naman ako natinag. I glared at him with disdain. Naramdaman ko ang paghawak ni Hart sa braso ko.
"Let's go Cons." Nasa boses nito ang pagpapaalala sa akin na huwag akong gumawa ng isang bagay na pagsisisihan ko.
Gusto ko mang patulan na ang tatlong itlog na ito pero mas lamang ang kagustuhan kong maging isa sa mga regulars ng baseball team. Hinding hindi nila magagawang sirain ang pangarap ko. Nginisian ko na lang sila at saka ko sila tinalikuran. Iniwan na lang namin ang tatlong itlog.
"Mga gago talaga yung tatlong yun," wika ni Hart habang papunta kami sa bolang pinalipad ko kanina.
"Tss! Malaking gago kamo! Kung hindi lang nakataya ang pagiging regular ko, pinagbibigyan ko na nang tigi-tigisang sapak ang mga yun e!" Iwinasiwas ko pa sa hangin ang hawak na bat.
"Graduate ka na dyan Cons! Tumakbo ka na nga dun at kunin mo na ang bola! Praktisin na lang natin ang pitches mo." Inutusan na naman ako ni Hart. Nagkibit balikat na lang ako at hinagis ang bat sa kanya at saka tumakbo para makuha ang bola.
Tss! Makokotongan ako panigurado ng babaeng ito kapag nalaman niyang nakipagrambol ako last month.. Umiling-iling ako. Buti na lang talaga hindi niya nalalaman.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
Roman d'amourSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...